Please follow @beeyotchupdated on twitter for real time tweet if any story got updated. Thank you.
#WTG20 Chapter 20
Sinubukan kong matulog, pero hindi ako natulog dahil hinihintay ko na bumalik si Nikolai sa kwarto namin. Nang makita ko sa cellphone ko na alas-cinco na ng madaling araw ay nagpasya na ako na lumabas para hanapin siya. May konsensya naman ako! Mamaya kung ano na nangyari 'dun!
Bumalik ako doon sa pinag-iwanan ko sa kanya.
Nandoon pa rin siya.
Nakita ko na nadagdagan iyong bote sa tabi niya.
Naka-upo lang siya roon habang naka-unat ang mga paa, naka-tukod iyong isang kamay sa may likuran niya at may hawak na beer iyong isa. Naka-tingin lang siya sa mga bituin sa langit.
Tsk.
Bakit kasi ganon?! Bigla siyang magsasabi nang ganyan. Siya 'tong nagsabi sa akin dati na busy siya at wala siyang time sa mga ganyan, tapos siya rin iyong unang babawi. May katok talaga sa isip 'tong si Nikolai, e!
Naka-ilang buntung-hininga ako bago nagdesisyon na lumapit sa kanya. Tahimik akong naupo sa tabi niya. Ni hindi siya lumingon nang naupo ako. Ewan ko kung alam ba niya na ako 'to, o wala na talaga siyang pakielam. Gusto ko sanang kausapin para malaman ko kung lasing ba o ano, pero tahimik lang siya na naka-tingin sa harapan niya.
"Paano kapag nagsawa ka sa 'kin?" bigla kong tanong sa kanya. "Pwede ba 'yung break na tayo pero friends pa rin? Kaya mo ba 'yung ganon?" parang clown na tanong ko sa kanya. Malamang kapag nagbreak kami, kung magiging kami, malamang sa malamang ayokong makita 'yung pagmumukha nito.
Alam mo 'yun?
Mareremind ka nung nawala sa 'yo?
Magfa-flashback lahat nung memories—both goods saka 'yung mga panget?
Tapos... wala.
Mukhang tanga.
"Why do you always jump to breaking up?"
"E sa ganon naman talaga uuwi."
"Do you have a time machine? Can you see the future?"
Gagong 'to—napaka-pilosopo bigla! Sarap bigwasan!
"Kunwari lang."
"Fine," sabi niya. "What if we really end up together? What then?"
Hindi ako sumagot. Hindi ko alam ang isasagot. Kahit naman alam ko na gusto ko si Nikolai, never akong umabot sa punto na iniisip ko iyong future namin. Gusto ko siya... pero hanggang doon lang. Ayokong mag-isip nung mga bagay na imposible. Pinapaasa ko lang iyong sarili ko.
"Yung posible kasi."
"Is it impossible?"
"Oo."
"Why?"
"Kasi ikaw 'yan."
Nakita ko na napa-tingin siya sa akin. Pero dumiretso ako ng tingin sa harap. Niyakap ko na lang iyong mga tuhod ko dahil nilalamig na ako, pero dapat mag-usap kami dahil ayoko naman na umuwi kami sa Maynila na ganito. Baka iwasan niya ako.
"Ikaw 'yan. Si Nikolai Ferreira. Mayaman. Gwapo. Mabait. Sino ba ako?"
"Jerusha Leigh Lorenzo," mabilis na sagot niya. "The first woman I actually confessed to."
Pagak akong napa-tawa. Tanginang 'to! Pinapa-iyak na naman ako! Time of the month ko na ba?! Bakit napaka-iyakin ko bigla?!
"Fine. Ikaw, okay lang sa akin, pero ano ang sasabihin sa 'yo ng mga kaibigan mo? Ng mga magulang mo? Ng mga kakilala mo? Ng mga—" Natigilan ako dahil sa paraan ng pagtingin niya sa akin. "Ano?" tanong ko dahil nailang ako bigla.
BINABASA MO ANG
Wreck The Game (COMPLETED)
General Fiction(Game Series # 7) Jersey thought that her life's already as good as it's gonna get... Wala naman siyang karapatang magreklamo-pasalamat pa nga raw siya 'di siya pina-abort ng nanay niya nung nabuntis siya ng tatay niya. Pero araw-araw din naman sa k...