Please follow @beeyotchupdated on twitter for real time tweet if any story got updated. Thank you.
#WTG05 Chapter 05
"Hoy! Bitiwan mo nga ako!" sigaw ko sa kanya nang tuluyan kaming maka-labas ng suite ng mga kaibigan niya. Mabuti na lang at huminto siya, pero nang tumingin siya sa akin ay kunut na kunot ang noo niya. "Nagta-trabaho iyong tao, e!"
"You call that work?" igting pangang tanong niya.
Umayos ako ng tayo at diretsong tumingin sa kanya. "Oo. Trabaho. Ano naman? Sumasayaw lang naman ako. Ano'ng masama 'don?"
"Jersey—"
Pero hindi niya itinuloy ang sasabihin niya.
Mabuti na lang din.
Kasi baka kung ano ang marinig ko galing sa kanya at masigawan ko siya na tumigil siya sa double standards niya dahil nakaka-pikon lang.
"How much did they pay you? I'll give you the money and just... just go home," kalmadong sabi niya pagkatapos akong titigan ng ilang segundo.
Hindi ako nagsalita. Muntik na akong mapa-atras nang humakbang siya palapit sa akin. Hindi ko alam kung ano ang gagawin niya kaya naman nagulat ako nang hilahin niya pataas iyong zipper ng jacket ko na naibaba ko kanina.
"Hindi ako pulubing manghihingi ng pera mo, okay? Trabaho ko 'to."
Napa-suklay na naman siya sa buhok niya. "When you borrowed my laptop for your resume, that was for this?"
Umirap ako sa kanya. "Feeling mo kailangan ng resume kapag magsasayaw ka sa mga birthday ng lalaki?" seryosong tanong ko kasi 'di ko sure kung seryoso siya. Ano naman mapapala nila kung malalaman man nila ang educational background ko? E pinaghubad lang naman ako ng t-shirt at pantalon nung nag-apply ako para masigurado nila na sexy ako.
"I don't know. That's why I'm asking."
"Hindi—"
Pero natigilan ako nang may lalaking lumabas mula sa suite. Tumingin siya sa aming dalawa ni Nikolai. "Hey... do we have a problem here?"
"Yeah, Zach. She's not going back. Find other ways to entertain yourselves."
"Dude, we paid for her—"
"Shut it and just go," pagputol niya sa sasabihin nung lalaki.
"Fucking prick," sabi nung lalaki bago sinara iyong pinto.
Nagbalik ng tingin sa akin si Nikolai. Bago pa man siya makapagsalita ay inunahan ko na siya. "Trabaho ko 'yun," diretsong sabi ko sa kanya. Mapapagalitan ako nito, e! Unang raket ko pa naman pagbalik ko tapos ganito! Tsk!
"Did you hear how he talked about you?"
"Oo."
"And you're okay with that?"
Nagkibit-balikat ako. "Ano namang paki ko sa sasabihin nila? 'Di naman nila ako kilala. Kung dadamdamin ko lahat ng sasabihin sa 'kin ng mga tao tungkol sa ginagawa ko para mabuhay, e 'di sana nagpakamatay na lang ako."
Ang sakit kaya magsalita ng ibang mga tao. Akala mo kilala ka nila. Akala mo alam nila lahat ng nangyayari sa buhay mo. Kung may alam man sila, maliit na parte lang 'yun. At kahit may alam sila, wala pa rin silang karapatan.
Kasi higit sa lahat, buhay mo naman 'yan.
"Jersey—"
Umiling ako sa kanya. "Alam mo, Nikolai, 'wag mo akong simulan kung sesermunan mo lang ako tungkol sa trabaho ko, ha? Kasi unang-una, nandoon ka rin sa loob kanina. Ibig sabihin kasama ka sa mga lalaking nagbayad para sa trabaho ko. Kaya ka lang naman nandito dahil kilala mo ako. Pero kung ibang babae? Malamang wala ka namang pakielam. So... tumigil ka. 'Di mo ako kailangang iligtas."
BINABASA MO ANG
Wreck The Game (COMPLETED)
General Fiction(Game Series # 7) Jersey thought that her life's already as good as it's gonna get... Wala naman siyang karapatang magreklamo-pasalamat pa nga raw siya 'di siya pina-abort ng nanay niya nung nabuntis siya ng tatay niya. Pero araw-araw din naman sa k...