Chapter 55
"Good morning," sabi ni Nikolai sa akin.
"Good morning," sagot ko habang naka-yakap pa rin sa kanya.
Dalawang linggo na kami sa beach. Akala ko magsasawa ako, pero mali pala ako roon. Nung una, medyo nanibago ako dahil nasanay ako sa Maynila na kahit saan ako tumingin ay may tao, sasakyan, at alikabok. Dito sa beach? Magigising ka dahil sa sinag ng araw at kasama mo sa umagahan iyong bawat hampas ng alon sa dalampasigan.
Ayoko na bumalik sa Maynila tuloy.
"Wala na tayong pagkain," sabi ko kay Nikolai para ipaalala sa kanya na kailangan naming pumunta sa palengke. Iyong dala ko nung unang punta namin dito ay tumagal naman ng isang linggo. So, last week ay nagpunta kami sa palengke para mamili. Tawang-tawa ako sa reaksyon ng mga babae kay Nikolai. Ni hindi man lang nag-effort na sumulyap, e! Talagang titig na titig.
"We have food," sabi niya habang guma-gapang pababa iyong kamay papunta sa gitna ng mga hita ko.
"Time out muna today, please."
Natawa siya. "Why?"
"Why ka d'yan? Feeling ko may laceration na iyong pekpek ko dahil sa 'yo!"
Sobrang lumakas iyong pagtawa niya. "What?"
"Wag kasing araw-araw! 'Di naman tatakbo 'yung pekpek ko!"
"Stop."
"Stop mo mukha mo. Tumayo na tayo para maka-pili tayo ng bibilhin natin," sabi ko pagkatapos pilit na umalis sa pagkaka-yakap niya at tumayo para dumiretso sa CR.
Ang ganda nung na-book ko na rest house. Sabi sa site, boho inspired daw, pero ang pinaka-nagustuhan ko ay beach front siya. Ang saya-saya kaya na paglabas mo pa lang, beach na agad iyong makikita mo. Actually, dito ata napunta iyong isang buwan na sweldo ko, pero keri lang. Sa dami ba naman ng ginawa para sa akin ni Nikolai, kulang na kulang pa 'to.
Ni-lock ko iyong pinto dahil sigurado ako na papasukin ako ni Nikolai at sasabayan maligo. Kapag ganyan, sigurado ako na mamaya pa kami matatapos dahil bawat sulok ata ng katawan ko ay sasabunin niya.
"Bilisan mo," sabi ko sa kanya paglabas ko.
"Why?"
"Iyong pagkain nga natin! Bahala ka kapag 'di na fresh iyong kakainin natin!"
"Fine, fine."
"Wag ka na magmilagro d'yan sa CR. Maligo ka lang."
"Why don't you join me to make sure that I won't do anything?"
Sinamaan ko siya ng tingin, pero tinawanan niya lang ako bago siya dumiretso sa CR. Grabe... hindi talaga ako magsasawa sa view! Ang sarap kaya makita sa umaga si Nikolai na naka-boxers lang (minsan nga wala pa) tapos gulu-gulo iyong buhok at bagong gising.
Paglabas niya ng CR, naka-sabit lang sa bewang niya iyong dark blue na tuwalya.
"What?" natatawang sabi niya habang naka-tingin ako sa kanya.
"May naalala ako."
"What?" tanong niya habang kinukuha iyong maliit na tuwalya at tinu-tuyo iyong buhok niya.
"So, technically, ang pangalan ko ay Jerusha Leigh Gomez de Liaño," sabi ko at saka tumango siya. Tumayo ako mula sa pagkaka-upo sa kama namin at lumapit sa kanya. Inarko ko iyong kilay ko. "Sa tingin mo kasya pa rin iyong buong pangalan ko?"
Bahagyang kumunot ang noo niya. "What?"
Inabot ko iyong tuwalya at kinalas iyon kaya nalaglag sa sahig. "Iyong pangalan ko. Sabi mo ipapa-tattoo mo dito," sabi ko sabay hawak habang naka-tingin pa rin sa kanya.
BINABASA MO ANG
Wreck The Game (COMPLETED)
General Fiction(Game Series # 7) Jersey thought that her life's already as good as it's gonna get... Wala naman siyang karapatang magreklamo-pasalamat pa nga raw siya 'di siya pina-abort ng nanay niya nung nabuntis siya ng tatay niya. Pero araw-araw din naman sa k...