Please follow @beeyotchupdated on twitter for real time tweet if any story got updated. Thank you.
#WTG19 Chapter 19
Tawang-tawa ako sa reaksyon ni Nikolai dahil parang gulung-gulo siya sa akin habang kuma-kanta ako ng mga Pinoy rap songs habang nagjojoyride kami. E kasi parang pagud na pagod siya sa exam niya. Baka maka-tulog. E sabi ko naman sa kanya kanina na 'wag na lang kami tumuloy kung pagod siya, e sabihin niya naman okay lang daw.
E sabi niya honest daw dapat kami.
E 'di maniniwala ako sa sinabi niya.
"What's that song?"
"Kabet 'yan! Grabe ka! Fake Filipino ka talaga!" sabi ko nang hindi siya maka-sabay sa pagrarap ko. "Sobrang foreigner mo na nga tignan—mano ba naman na Filipino at heart ka?"
"Hey, my favorite food is Jollibee!" pagdedepensa niya sa sarili niya.
"Di sapat. Dapat alam mo 'yung theme song kapag may karaoke."
"I don't sing."
"Ano 'yan? Puro gwapo? Walang talent?"
"So, you admit that I'm gwapo?"
Umirap ako. Fishing pa sa complement iyong isang 'to. Malamang alam niya na gwapo siya. I mean, 'di ba obvious?! Parang ang sarap kaya tumingin sa salamin kapag ganyan ang itsura mo—syempre alam ko kasi ang ganda ko rin kaya ang sarap tignan ng mukha ko sa salamin.
"Bilis na kasi—kabisaduhin mo na."
"Don't wanna."
"Kill joy."
"I'll try to memorize the other song."
"Ano'ng other song?"
"The one with the piano instrumental in the beginning? Sounds kinda like River Flows in You?"
"Alin ba dito?" tanong ko tapos hinanap namin iyong sinasabi niya na kanta. Ang pinapa-tugtog ko lang naman ay iyong mga usual na kantahan ko kapag bored ako sa buhay—Kabet, Stupid love, Alaala—
"Ah! Ito ba?" tanong ko sa kanya habang pina-tugtog ulit iyong alalaala. Tumango si Nikolai. Tawang-tawa ako habang sinusubukan niya na magrap. "Boo! Walang talent!"
"Hey, you try rapping!"
"Kanina pa kaya?! 'Di ka ba nakikinig?!"
"I'm busy driving?"
"Di ka rin multi-tasker! My gosh!"
"I can multi-task," sabi niya. "Remember when I was fucking you from behind and I was recalling the things I memorized for class?"
Biglang nanlaki iyong mga mata ko.
Grabe... It's been so long. Nakaka-loka pala ang law school—wala na akong dilig-dilig. Ramdam na ramdam ko ang tagtuyot.
"Nikolai."
"Yeah?"
"Wala kang jowa talaga?"
"Where is this coming from?"
"May narinig ako kanina sa school mo may babae ka raw."
"What?" tanong niya bigla. Napa-tingin siya sa akin saglit. Kita ko iyong pagka-gulo sa mukha niya. "Who?"
"Jersey daw," sabi ko tapos natawa siya. Sasabihin ko sana iyong babae kanina kaya lang naalala ko na siya nga lang pala ang may crush. Mamaya hindi pa alam ni Nikolai tapos binuko ko pa si Ate girl!
"Pero may nakita ako kanina na babae. Blockmate mo ata. Sino 'yun? Ang ganda, e."
"Describe?"
"Matangkad tapos morena tapos black na black iyong buhok. Basta ang ganda niya talaga," sabi ko. Gusto ko lang istalk! Baka may something sila ni Nikolai. Nakaka-paranoid naman kasi 'yang si Nick! Feeling ko kailangan ko mag-imbestiga palagi dahil mamaya, 'di ko na naman alam na kabit na pala ako! Kaka-trauma!
BINABASA MO ANG
Wreck The Game (COMPLETED)
General Fiction(Game Series # 7) Jersey thought that her life's already as good as it's gonna get... Wala naman siyang karapatang magreklamo-pasalamat pa nga raw siya 'di siya pina-abort ng nanay niya nung nabuntis siya ng tatay niya. Pero araw-araw din naman sa k...