Please follow @beeyotchupdated on twitter for real time tweet if any story got updated. Thank you.
#WTG11 Chapter 11
"Ano ba 'yan..." naka-simangot na bulong ko nang sabihin sa akin na kahit magrequest ako ngayon ay Lunes ko pa makukuha. "Di po ba pwedeng bilisan? Ipi-print lang naman po 'yan, 'di ba?" tanong ko kasi ayoko na talaga manatili pa rito. Nase-stress ang buong pagka-tao ko. Parang naka-develop na ako ng allergy sa mga tao rito.
"Transcript nire-request mo—'di 'yan papel na ipi-print lang," masungit na sagot niya sa akin habang naka-tingin pa rin kay Nikolai. Kahiya, ah! Pwede na siyang maging lola ni Nikolai, kung maka-tingin!
"Okay po," sagot ko kahit badtrip ako kasi ayoko rin naman makipag-away sa matanda, no! Papatol lang ako pero hindi ako magsisimula ng gulo sa matanda. E kung bastos siya, e 'di papatulan ko. 'Di ako naniniwala na porke matanda kailangan irespeto—e kung bastos ka, okay lang kasi matanda ka naman? Kalokohan.
Tumalikod ako at naglakad papunta kay Nikolai na naka-sandal doon sa poste. Kanina pa siya pinagtitinginan ng mga estudyante rito. 'Di ko rin naman sila masisi dahil iba rin dating nitong taong 'to, e. Akala mo model lang na biglang lumabas sa magazine!
"What's with the frown?" tanong niya.
"Sa Monday morning pa raw makukuha iyong transcript."
"Oh. Okay," sagot niya.
Napa-kunot ang noo ko. "Ano'ng okay?"
"Is there a hotel here or something?" tanong niya sa akin. Turn ko naman para kumunot ang noo. "I mean, I drove for 6 hours, so might as well stay here until we get your transcript."
Umawang ang labi ko. "Seryoso ka? 'Di ba may pasok ka pa?"
Nagkibit-balikat siya. "Can you confirm if we can get your diploma by 8am? So that we'll be back in Manila by 2pm? I have 4pm class."
Nanlaki ang mga mata ko. "Seryoso?"
Tumango siya. "Yeah. I brought my books with me, right?"
"Wala tayong damit o kahit na ano."
"We'll sleep naked, then," sabi niya tapos natawa. "Kidding. Do you have a mall here? We can just buy things, you know? Money makes the world go round."
Naka-ilang kurap ako, pero hindi nagbago iyong isip niya. Mukhang seryoso nga siya na dito kami sa Cagayan ngayon. E Sabado pa lang! Tapos Linggo pa bukas! Tapos kaming dalawa lang!
"Come on," sabi niya. "I'm famished. Do you know any good place to eat here?"
Kahit nasa City Mall na kami ay pinagtitinginan pa rin si Nikolai. Nung kumakain kami ay halatang-halata kong kilig na kilig sa kanya iyong ibang mga kabataan. Kinuhanan pa ng picture na patago! Mamaya nasa Facebook na 'tong mukha na 'to.
"Do you have this in lace?" tanong ni Nikolai doon sa saleslady. Kitang-kita ko iyong pamumula nung mukha nung babae dahil hawak pa ni Nikolai iyong hanger na may naka-lagay na panty.
"Hoy!" sabi ko kasi nakaka-hiya siya kasama!
"What? You only wear lace, right?" tanong niya na walang habas.
"Bakit mo ba kasi ako bini-bili ng panty?!"
Jusko. Feeling ko e pinagtitinginan na kaming dalawa rito kasi may hawak na hanger na may panty si Nikolai at mukhang kumportable lang siya sa ganoon.
"What? You're not gonna change your panties? In 2 days? Hygiene, Jersey, please," sabi niya na naiiling. Punyeta. Kaurat kausap 'to. Malamang magpapalit ako ng panty! Pero bakit siya ang namimili?!
BINABASA MO ANG
Wreck The Game (COMPLETED)
General Fiction(Game Series # 7) Jersey thought that her life's already as good as it's gonna get... Wala naman siyang karapatang magreklamo-pasalamat pa nga raw siya 'di siya pina-abort ng nanay niya nung nabuntis siya ng tatay niya. Pero araw-araw din naman sa k...