Chapter 53

189K 7K 2.8K
                                    

Chapter 53

Hindi agad ako naka-sagot sa tanong ni Nikolai. Hindi ko alam kung dapat bang magpakilala pa ako? Kasi... alam mo 'yun? Bigla na lang akong susulpot sa mundo niya? Na 'ay, hello! May kapatid ka!' Kung iyong sa tatay ko lang, keri lang kasi tatay ko naman iyon. Pero iyong sa kapatid? Unfair. Hindi niya naman ginusto na magkaroon ng kapatid. Paano kung ayaw niya pala? E 'di dagdag pa ako sa problema niya?

Pagka-uwi namin, pinilit ko si Nikolai na kumain kasi hindi pa siya kumakain buong araw. Sobrang nahihirapan ako na makita siya na ganito... Gusto lang naman nung tao na maka-tulong tapos ganito iyong mangyayari.

Bakit ba kasi maraming demonyong pakalat-kalat sa mundong ibabaw? Ang sasahol.

"Kumain ka na, please. Kahit soup na lang."

"I don't feel like eating."

"Kung hindi ka kakain, e 'di hindi rin ako kakain."

Tumingin siya sa akin. "Jersey—"

"Magkaka-sakit ka kapag hindi ka kumain. Hindi na rin ako kakain. In sickness and in health, 'di ba? E 'di sabay na tayong magka-sakit."

Napa-buntung-hininga siya bago niya inabot iyong kutsara at saka nagsimulang kumain. Tahimik lang kami habang kumakain. It was a nice change kumpara sa mga nangyari nitong mga naka-raang araw... para bang pati sa pagtulog ko ay sinusundan ako nung iyak ng mga pamilyang kausap namin... kahit sa panaginip ko ay nakikita ko iyong mga mukha nila Vito at Sancho na parang wala ng pag-asa.

"Jersey."

Agad akong napa-tingin sa kanya.

"About the kid..."

"Wala ba siyang ibang pamilya?"

Umiling siya. "His mom but—" sabi niya at agad na natigilan. "I really feel responsible..." dugtong niya. "But..." Tahimik akong naghintay sa sasabihin niya. Pero ilang saglit pa ang lumipas at wala akong narinig na kahit ano.

"Gusto mo bang... ampunin?" tanong ko dahil hindi ko alam kung saan papunta iyong sasabihin niya.

"I don't know... I don't really like kids..." Tumingin siyang diretso sa mga mata ko. "Do you want kids?"

Nagkibit-balikat ako. "Hindi ko alam. Hindi ko makita iyong sarili ko bilang nanay. Hindi ko makita iyong sarili ko na may inaalagaan na bata. Selfish ba ako?"

"What? No," mabilis niyang sagot. Para ba siyang nabunutan ng tinik sa dibdib. "But thank god," sabi niya.

"Bakit?"

"Because I really don't like kids... I think I'll be the best uncle, best ninong, but I really can't see myself as a father. But if you want kids... of course I'll love our kids."

Naka-tingin kami sa mga mata ng isa't-isa.

"Are you sure you don't want kids?" tanong niya.

Umiling ako. "Ayoko. Sure ka rin ba na ayaw mo?"

"I don't want kids—I only want you."

Tumango ako. "Okay..." sabi ko. "So... tayong dalawa lang?" tanong ko. "Okay lang sa 'yo na tayong dalawa lang? Hindi ka mabobore na tayong dalawa lang?"

"What? No," sabi niya. "Life's never boring with you in it, Jersey. Besides, we can travel the world together. Live by the beach. I don't know. We can do a lot of things together, Ga."

Napa-hinga ako nang malalim.

"But if one day you change your mind—"

Umiling ako. "No, ayoko rin ng anak, Nikolai. Ang gulu-gulo ng mundo. Saka parang... gusto ko lang din gawin 'yung gusto mo. Gusto ko na lang din tumira sa beach. Gusto ko na lang ding magtravel. Gusto ko na lang din sumaya. Pero gusto ko ring magtrabaho, so kailangan mong gawan ng paraan iyon," sabi ko at natawa siya.

Wreck The Game (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon