Chapter 22

207K 8.6K 6.2K
                                    

Please follow @beeyotchupdated on twitter for real time tweet if any story got updated. Thank you.

#WTG22 Chapter 22

Mukhang nag-overthink lang ako dahil sa wala. Normal naman sa classroom namin. Mukhang wala namang alam o walang pakielam iyong mga classmate ko sa nangyari nung party nung nakaraang linggo. Kung sabagay... mga working na mga 'to. Ano bang pakielam nila sa mga ganyan e busy siya sa buhay nila?

Arte-arte pa ako dati na gusto ko sa normal na section para mas maka-usap ko iyong mga classmate ko. Dito pala talaga mas maayos.

"Okay ka lang?"

"Bakit naman hindi?" tanong ni Indie. Kakatapos lang ng class namin sa Statcon. Natawag na kasi ako nung midterms period pa. E matagal magtanong si Atty kaya naman hindi pa rin tapos iyong round. Feeling ko e hindi na ulit ako matatawag. Grabe rin naman kasi nung tinawag ako! Halos 45 minutes ata akong naka-tayo at nagrerecite sa kanya!

"Narinig ko lang 'yung sa ano..."

"Ah, hindi, okay lang," simple kong sagot.

Tumango lang si Indie. Hindi na nagtanong pa. Iniisip niya rin kaya na pokpok ako? Kasi 'di ba ganon naman talaga? Iyong chismis na ganito, magugulat ka na biglang sobrang laki na? Hanggang sobrang layo niya na sa katotohanan? Tapos kahit sabihin mo iyong totoo, hindi sila maniniwala. Bakit? E mas entertaining iyong kasinungalingan.

Mga tao nga naman kapag bored.

Sabay kaming naglakad palabas. Nakita ko si Bentley. Nang makita niya ako ay nilapitan niya agad ako.

"Hey..." sabi niya na may maliit na ngiti. "I just want to apologize for what happened in the party. I invited you to have fun tapos napagbintangan ka pa."

Plastic na ngumiti ako kay Bentley.

"Okay lang," sagot ko. "Sige, una na ako."

Akala ko okay 'tong isang 'to.

Kaka-disappoint talaga minsan ang mga tao.

Ano kaya reaksyon niya kapag nalaman niya na totoo namang suma-sayaw ako dati para sa pera? Kagaya rin kaya siya ni Zach na babastusin ako at kakausapin na para bang kayang-kaya niyang bilhin ang pagkatao ko?

Pero 'di ko kailangang malaman.

'Di ako interesado.

Mabuti na lang nandyan si Nikolai... siya talaga ang nagpaniwala sa akin na hindi naman pala basura lahat ng lalaki. Meron pa rin namang mga matino na hindi tumi-tingin sa estado ng buhay mo o kung ano ang ginagawa mo para mabuhay.

Kasi iba-iba naman tayo.

May swerte.

May malas.

Ano'ng karapatan mong manghusga sa ginagawa nung mga malas para maka-survive sila?

"Grabe... Cold nun," kumento ni Indie.

"Nagmamadali kasi ako," sagot ko. "Uy, una na ako, ha? Nagmamadali kasi talaga ako," dugtong ko pa. Ayoko lang kasi marinig kung ano ang comment din ni Indie. Siya na lang friend ko rito sa school. Baka ma-disappoint ako sa comment niya kung sakali.

Agad na dumiretso ako sa Brent. As in diretso lang akong naglakad at hindi ako tumingin sa daan. Bahala na sila kung titignan nila ako o kung ano. Bahala sila. Ayoko na silang isipin. Gusto ko muna maging masaya.

Balak ko sanang gulatin si Nikolai nang mapansin ko na naka-talikod siya mula sa akin. Kasama niya iyong mga friends niya. Grabe! Ang gwapo talaga ni Sancho!

Wreck The Game (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon