Please follow @beeyotchupdated on twitter for real time tweet if any story got updated. Thank you.
#WTG30 Chapter 30
Tumingin si Nikolai sa paligid. Hindi siya nagsalita. Nagpasalamat ako sa landlady pagkatapos niyang iabot sa akin iyong susi. Inilapag ko iyong bag ko sa may upuan.
"Safe naman dito," sabi ko para lang mabawasan iyong katahimikan. Hindi ko alam kung bakit sumama pa siya sa akin dito para i-check iyong bago kong titirhan kung hindi naman pala siya magsasalita. Kung kagaya lang kami ng dati, sigurado ako na maraming comment si Nikolai—na kesyo masyadong maraming tao, na masyadong masikip, na ganito, ganyan.
Pero ngayon? Ma-swerte na ako kung makaka-kuha ako ng tango mula sa kanya.
"Maghahanap din ako ng trabaho bukas since next sem pa naman ako makaka-pasok ulit sa school," banggit ko sa kanya. Gusto ko lang na sabihin sa kanya lahat ng plano ko ngayon. Ewan. Siguro bumabawi ako dahil sa dami ng hindi ko sinabi sa kanya noon? Pero ano pa iyong silbi? Mukhang hindi naman siya interesado pa.
"Saan ba sa tingin mo magandang lumipat ako?" tanong ko. Pero imbes na maka-kuha ako ng sagot mula sa bibig niya ay nagkibit-balikat lang siya. Gusto kong matawa kasi nakaka-tawa na talaga kami. Ramdam na ramdam ko na hindi kami maayos... pero pareho kaming matigas iyong ulo na kuma-kapit pa rin.
Sabi niya ngayon lang 'to.
Sabi niya magiging maayos din kami.
Pero kailan pa?
Mahihintay ko ba?
Mahihintay niya ba?
"May pupuntahan ka ba? Kasi mag-aayos lang ako ng gamit tapos magpapa-hinga na rin ako."
Tumingin lang siya sa akin. "Text me if you need anything," tanging sabi niya bago tumalikod at lumabas.
At hindi ko alam kung tama ba na nung lumabas siya ay parang gumaan ang pakiramdam ko.
* * *
"Salamat sumagot ka rin sa tawag!" sabi ni Indie nang sagutin ko iyong tawag niya. Sobrang na-appreciate ko na tinatawagan at tine-tetx niya ako nung na-suspend ako sa school. Kasi siya lang iyong nagtext. Si Bentley, nagtext naman ng isang beses... pero si Indie talaga iyong hindi tumigil hanggang hindi ako sumasagot.
"Sorry... busy."
"Okay ka lang—" Napa-hinto siya. "Shit. Sorry. Malamang hindi ka okay. Ang hypocrite talaga nitong mga Catholic school na 'to!"
Napa-ngiti na lang ako sa sarili ko. "Okay lang..."
"Okay mo mukha mo. Kapal ng mukha nilang gawing tagline iyong One Clairean Family tapos kapag may ganito, kickout agad?" sabi niya habang rinig na rinig ko iyong inis sa boses niya. "Binigyan ka man lang ba ng good moral?"
Hindi ako naka-sagot. Hindi ko pa kasi iniisip kung saan ako lilipat—pinaka-problema ko ngayon ay kung paano ako mabubuhay. Iyong ipon ko ay sapat lang para sa ilang buwan na renta at saka pangkain. Kailangan kong maka-hanap ng magandang trabaho para makapagpatuloy ako sa law school. Nanghihinayang ako kung hindi ko itutuloy. Baka bumalik lang ako sa kagaya nung dati na walang patutunguhan ang buhay ko. Iyong gumigising lang ako para hintayin na matapos iyong araw.
Ayoko nang bumalik sa ganoon.
Nakaka-pagod kahit wala kang ginagawa.
Nakaka-walang gana mabuhay.
"May alam ka bang trabaho?"
"Sa G&Z gusto mo?"
Hindi agad ako naka-sagot. Ayokong magtrabaho sa may kinalaman sa mundo ng mga abogado. Pakiramdam ko kasi ay kahit saan ako tumingin ay alam nila iyong parte na 'yun ng buhay ko. Sobrang judgmental, pota. Akala mo kay lilinis, e.
BINABASA MO ANG
Wreck The Game (COMPLETED)
General Fiction(Game Series # 7) Jersey thought that her life's already as good as it's gonna get... Wala naman siyang karapatang magreklamo-pasalamat pa nga raw siya 'di siya pina-abort ng nanay niya nung nabuntis siya ng tatay niya. Pero araw-araw din naman sa k...