Chapter 12

191K 7.7K 3.1K
                                    

Please follow @beeyotchupdated on twitter for real time tweet if any story got updated. Thank you.

#WTG12 Chapter 12

"Ready ka na bang matalo?" tanong ko sa kanya habang inaayos ko iyong C2-gin.

Tumawa lang si gago. Pagbalik namin dito ay naglinis siya ng katawan tapos ay nagpalit ng boxers at saka puting t-shirt ulit. Arte naman pala nito. Akala mo naman e nagpatintero kami sa labas at dumumi siya masyado.

"I literally own a bar."

"Laking kanto ako."

Napa-iling na lang siya. "Let's just see who's the better drinker, shall we?" tanong niya.

Dahil ang tagal nitong C2-gin, sumandal kami sa may paanan nung kama. In fairness naman ay may carpet itong sahig nung hotel. Sana lang ay nililinis nila dahil baka magreklamo itong katabi ko dahil mukhang maarte sa kalinisan si Mr. Nikolai Ferreira.

"Iinom lang ba tayo? Ang boring naman."

"What do you wanna do?"

"Hmm... kada shot, pwedeng magtanong ng kahit ano. Kapag ayaw sagutin, dalawang shot," sabi ko sa kanya.

"Unfair. I have lots of secrets."

"Ako rin. Duh. Ikaw lang mysterious?"

Tumawa siya habang naiiling. "Fine. Double-shot for me, then."

'Good luck...' bulong ko sa isip ko. Literal na guma-gapang ako noon dahil sa hinayupak na C2-gin na 'yan. 'Di mo alam kung sinong hudas ang nag-imbento, e! Goal niya yata na pagapangin ang mga tao!

"Sa wakas!" sabi ko nang matapos. Agad akong naglagay sa shot glass. "Ikaw una."

"Ladies first."

Umirap ako. "Takot ka?"

Tumawa siya. "Just being the gentleman that I am," sabi niya. Tsk. Akala mo kanina lang e hindi siya naghasik ng lagim sa mall nung hawak niya iyong hanger na may panty. May short term memory ata 'to kaya hirap na hirap magmemorize, e.

"Fine," sabi ko sabay inom nung shot. "Tanong?"

"Do you really wanna go to law school? Because I can enroll you in another school."

"Hindi ko alam. Hindi ako nagjojoke nung sinabi ko sa 'yo na wala akong pangarap," sagot ko sa kanya tapos sinalinan iyong shot glass niya. Ininom niya iyon. "Gusto mo ba talaga mag lawschool? Hirap na hirap ka na."

Nagkibit-balikat siya. "I only went there for my friends. I wasn't kidding when I said I have a fear of missing out. My friends are my family," sabi niya at saka inabot sa akin iyong shot ko. "Do you have friends in Manila? Just curious."

Tumango ako sabay inom. "Meron," sagot ko. "Sino si Assia?"

"I told you—basically a sister," sagot niya. "Who are your friends?"

"Friend lang. Isa lang," sagot ko. "Nagka-crush ka sa kanya?"

"Vito literally had googly eyes when he met her—that was like a clear sign to back off," sabi niya. "Fine. Who's that friend?"

Nag-iwas ako ng tingin pagka-tapos kong inumin iyong shot. "Ikaw."

"What?" tanong niya na hindi na-gets.

"Ano naman kung nagka-googly eyes o heart eyes man iyong Vito? Nagka-crush ka ba?" tanong ko.

"You didn't answer my question."

"Sinagot ko na, baliw. Lasing ka na." Kumurap-kurap siya. Napa-hawak siya sa mukha niya. Tumawa ako. "Ano? Naiinitan ka na, no? It's a sign."

Lumunok siya. "Where's the remote? It's so fucking hot in here," sabi niya habang pinapaypayan iyong sarili gamit iyong t-shirt niya.

Wreck The Game (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon