Chapter 32

181K 7.5K 2.1K
                                    

Please follow @beeyotchupdated on twitter for real time tweet if any story got updated. Thank you.

#WTG32 Chapter 32

"Tangina, kumalma ka nga," sabi ko pagkatapos sampalin ang sarili ko dahil para akong tanga habang paulit-ulit na nagfa-flashback iyong nangyari kanina. Putang inang memory 'to! So bakit tanda ko lahat nung nangyari?! Kaso ba 'to?! Recit ba?! Kailangan ko ba ianalyze lahat nung ganap nung nagkita kami?!

Tumayo ako at saka nagtimpla nung kape. Kailangan ko pang mag-aral dahil 'di naman titigil ang quiz at recit ko dahil lang binabagabag ako ng memories namin ni Nikolai.

Alam ko naman na dadating talaga iyong araw na magkikita kami.

Pero hindi ko alam na kahapon pala iyon.

'Di ako handa.

Iniisip ko na sana man lang abogado na ako kapag nagkita kami—para hindi ako mahihiya sa kanya...

Kaso ito pa rin ako—putanginang struggling para mabuhay sa araw-araw.

'Gising ka pa?'

'Duh.'

'Mcdo tayo?'

'Ikaw punta dito?'

'Pakyu.'

'See you!'

Dahil sa aming dalawa ay si Indie naman ang may sasakyan, alam ko na siya ang pupunta rito sa akin. Gumayak na ako saka nilagay iyong mga gamit ko sa bag ko. Dumiretso ako sa Mcdo sa tapat nung apartment na tinu-tuluyan ko tapos umorder na ako ng Iced Coffee habang naghihintay kay Indie. Habang wala pa siya ay nagbasa muna ulit ako nung mga notes ko sa Civil Law.

"Di pa ako inorder," sabi ni Indie pagdating niya. Pinatong niya iyong bag niya sa upuan.

"Arte mo," sagot ko tapos inirapan niya lang ako. Minsan kasi nagkikita kami tapos mag-uusap sandali tapos magrereview. Kahit naman sa SCA pa rin siya tapos nasa ibang school na ako, same pa rin naman iyong pagkakaibigan namin—mas naging close pa nga kami.

Umorder lang siya ng burger at kape at fries. "Oh, ano meron?"

Nagbuntung-hininga ako. "Nakita ko si Nikolai kahapon."

Nanlaki iyong mga mata niya, biglang na-excite. "Saan?"

"Sa hotel nila nung may inaayos kami ni Atty. Marroquin."

"Pakilala mo naman ako d'yan," sabi niya. "Alam mo naman na type ko mga moreno at saka mysterious."

Umirap ako. "Seryoso kasi," sagot ko tapos tinawanan lang ako. "Oo na, oo na," sabi niya. "Tina-try ko lang naman na ilighten-up kasi feel na feel ko na magda-drama ka na."

Sa ilang taon naming pagkakaibigan ni Indie ay ilang beses niya na rin akong nakita na nag-e-emote lalo na kapag nag-iinuman kami kaming dalawa hanggang sa malasing kami. Kapag normal lang ako ay wala siyang maririnig na kahit ano sa akin tungkol kay Nikolai dahil ayoko talagang pag-usapan iyong nangyari sa amin... pero ibang usapan kapag lasing ako. Wala akong kontrol sa lumalabas sa bibig ko kaya nga kapag ganyan, naka-tago na iyong cellphone namin dahil baka kung ano ang maitext ko bigla.

"So, ano nangyari?"

"Wala... parang normal lang siya."

"Normal ba talaga o pride lang?" tanong niya. Kumunot ang noo ko. "Iniwanan mo dati tapos ni hindi mo nirereplyan kapag nagtetext sa 'yo dati."

"E drunk text lang naman 'yon," paliwanag ko. Baka kapag nireplyan ko e mahiya bigla sa akin.

"Sus, drunk text my ass..." sabi niya habang napa-irap. "Based on experience, bihira lang iyong totoong drunk text. Madalas d'yan nagpapanggap lang kasi takot sa rejection like if hindi nireplyan, shrug off na lang as drunk text ganon."

Wreck The Game (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon