Chapter 28

156K 7.1K 3.5K
                                    

Please follow @beeyotchupdated on twitter for real time tweet if any story got updated. Thank you.

#WTG28 Chapter 28

Sobrang ingay.

Sobrang saya.

Sila.

Pero ako? Para akong mamamatay sa sobrang kaba.

Naka-tayo ako mula sa malayo. Tini-tignan ko iyong bawat mukha nung mga lumalabas mula sa gate. Ang saya nilang tignan kasi alam mo 'yun? Ang hirap ng inaaral namin... tapos finally, tapos ka na sa BAR exam. Naka-graduate ka na. NakapagBAR ka na. Ang susunod na lang ay pagiging abogado mismo.

Ang saya sana.

Kaso sobrang kinakabahan ako dahil ngayon iyong araw na mag-uusap kami ni Nikolai. Hindi na ako sumubok na dalawin ulit siya nitong naka-raang tatlong linggo dahil nakita ko kung gaano siya na-apektuhan nung huli naming pag-uusap. Bahala na kung magalit siya sa akin. Basta gusto ko na nasa BAR lang iyong atensyon niya. Gusto ko lang naman na maging abogado siya. Hindi man niya pangarap, pero nakita ko kung paano niya nilaban 'yun... Kaya gagawin ko rin lahat para ilaban 'yon.

"Congrats," sabi ko nang makita ko si Sancho. Nauna pala siyang lumabas. Hindi pa kaya tapos si Nikolai na mag-exam?

"Salamat," sagot ni Sancho. "Si Niko?"

Tumango ako. "Nakita mo ba?"

Umiling siya. "Baka palabas pa lang."

Tipid akong ngumiti. "Sige, hintayin ko na lang."

Tumango lang sa akin si Sancho. Hindi ko rin naman alam kung alam nila iyong nangyayari sa aming dalawa ni Nikolai. 'Di naman ako nagsasabi sa kanila. Kasi paano kung magsabi ako tapos biglang malaman ni Nikolai na mas nauna pa nilang malaman kaysa sa kanya? Ayoko lang na isipin niya na pinagkaisahan siya. Saka kung magagalit man siya sa akin, gusto ko na nandyan pa rin iyong mga kaibigan niya para sa kanya.

Halos palubog na iyong araw nang makita ko si Nikolai. Bahagyang naka-kunot iyong noo niya nang makita ko siyang naglalakad. Ni hindi siya maka-ngiti doon sa mga taong buma-bati sa kanya. Naalala kaya niya? Na ngayon kami mag-uusap? Na ngayon ko sasabihin sa kanya iyong problema ko?

Tatlong linggo lang naman akong 'di nagparamdam.

'Di naman ako ganoon kabilis maka-limutan siguro.

Sinundan ng mga mata ko iyong bawat galaw niya.

Diretso siyang naglakad hanggang sa maka-layo siya sa mga tao. Nakita ko iyong paghinto niya. Iyong pagpikit ng mga mata niya. Iyong pagsuklay ng mga daliri niya sa buhok niya. Iyong pagdilat niya at pagtingin sa paligid na para bang may hina-hanap... hanggang sa magtama iyong mga mata namin.

Halos hatakin ko iyong sarili ko para maglakad palapit sa kanya. Sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko habang papa-lapit ako. Kina-kabahan ako. Natatakot. Kasi baka pagkatapos nito... wala na.

Gusto kong maniwala sa sinabi ni Nikolai na hindi niya ako iiwanan kahit ano iyong nagawa ko... pero sinabi niya 'yun nung hindi pa niya alam iyong sa amin ng Tatay niya... Hindi ako magagalit sa kanya kung hindi niya tutuparin iyong pangako niya. Maiintindihan ko. Pilit kong iintindihin.

Kasi mahal ko rin naman siya.

Kahit hindi ko masabi.

Sana alam niya.

Sana ramdam niya.

"Congrats," sabi ko sabay abot ng bulaklak sa kanya. Hindi ko alam kung may paborito ba siyang bulaklak... 'Di ko naman matanong. 'Di rin naman ako makapagtanong kasi baka bigla nilang tanungin kung bakit hindi ako mismo ang magtanong.

Wreck The Game (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon