Chapter 15

219K 9K 6.4K
                                    

Please follow @beeyotchupdated on twitter for real time tweet if any story got updated. Thank you.

#WTG15 Chapter 15

Naiinis na tumayo ako mula sa pagkaka-upo sa carpetted kong sahig nang may marinig akong katok mula sa labas. Kung kailan nahanap ko na iyong liwanag at saka may iistorbo sa akin sa pag-aaral!

"Bakit... ka nandito?" tanong ko habang nasa harapan ko si Nikolai. Naka-suot siya ng uniform niya—feeling ko uniform niya na iyong suot niya dahil palaging ganyan lang. Laging polo shirt ang suot niya—naiiba lang ang brand at kulay. Medyo naloka lang ako nung hinanap ko sa Internet iyong presyo ng suot niya. Isang polo shirt, 32 thousand?! E kahit naman blue corner na t-shirt lang, hot pa rin siya.

Imbes na bigyan ako ng matinong sagot ay nagkibit-balikat lang siya. Pumasok siya sa loob. May dala pa siyang bag.

"Wala ka bang pasok?"

"1:30," sagot niya.

Napa-tingin ako sa wall clock. "E bakit nandito ka?" tanong ko dahil 9 am na. 'Di ba dapat nag-aaral siya ngayon? Ako ngang first year law student—

Tsk.

Akalain mo nga naman?!

Si Jerusha Leigh Lorenzo, nag-aaral ng batas?! Ano kayo d'yan ngayon?!

Tumigil siya sa harap ng coffee table ko.

"Persons?" tanong niya.

Tumango ako. "Interesting basahin, in fairness," sabi ko habang naglalakad pabalik sa pwesto ko. Pinagpa-tuloy ko iyong pagbabasa. Napa-tingin ako kay Nikolai nang maramdaman ko na naka-titig siya sa akin. "Ano?" tanong ko kasi naiilang ako.

"You're studying?"

"Obvious ba?"

"Just... reading?"

Tumango ako. May mali ba sa ginagawa ko? E libro naman 'tong nasa harapan ko? Alangan namang sayawan ko?! Si Nikolai talaga—sobrang hot lang pero minsan 'di mo rin talaga alam ano punto niya sa buhay. No wonder nagpapanggap lang siya minsan.

"Can you scooch?" tanong niya biglang. Ni hindi pa ako nakaka-sagot ay makapal ang mukha niyang naupo sa tabi ko. Aba! Hindi naman pang-dalawang tao 'tong lamesa ko! Ang laki-laki niya kayang tao!

"Bakit ba dito ka nanggugulo?" tanong ko habang napadpad na ako sa dulo nung coffee table.

"I won't be a bother," sabi niya habang nilalabas iyong gamit niya. Napa-angat iyong kilay ko habang nilalabas niya iyong—

"Ano 'yan?" tanong ko dahil may mga kung anik-anik pa siyang nilalabas. Samantalang ako, literal na libro lang ang nasa harapan ko. May mga ganyan pa palang kaartehan si Mayor!

"Bookstand," sabi niya.

"Importante ba 'yan?"

"Makes reading easier," sabi niya tapos may nilabas na naman na pencil case. Napa-awang iyong labi ko nang buksan niya iyon at ang daming highlighter! Lakas maka-high school!

"Daming cheche-bureche," sabi ko.

"It helps, okay?"

"Na maging coloring book 'yang libro?"

"There's a designated color for everything. It just helps with easier scanning," sabi niya.

Nagkibit-balikat ako. "Okay. Sabi mo, e."

Bumalik ako sa pag-aaral. Kung titignan siguro kaming dalawa ay sobrang weird kasi parang wala man lang akong kagamit-gamit habang itong katabi ko e mukhang suki ng National Bookstore. Tahimik akong nagbabasa nang may reklamo na naman 'tong isang 'to.

Wreck The Game (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon