Chapter 37

195K 8K 4.3K
                                    

Please follow @beeyotchupdated on twitter for real time tweet if any story got updated. Thank you.

#WTG37 Chapter 37

Tumawa si Atty. Marasigan nang tumingin si kay Atty. Marroquin na bumalik sa loob ng conference hall. Nagmake-face kasi si Atty. Marroquin sa kanya. Napa-iling siya bago ibinalik ang tingin sa 'kin.

"Sorry about that," sabi niya.

"Okay lang po," sagot ko. "Di po ba kayo babalik sa loob?" tanong ko kasi mandatory sa kanila iyong ganitong conference at kung anu-ano pa. Grabe, akala mo tapos na kapag naka-pasa ka sa BAR pero may mga ganito pa. Sabagay, continuous naman talaga iyong pag-aaral—laging may bagong jurisprudence na lumalabas kaya dapat updated ka palagi. Mukha ka namang tanga kung ang basis ng argument mo e outdated na.

"No, paalis naman na rin ako," sabi niya sa 'kin. "May pupuntahan ako, pero kung seryoso ka talaga sa Labor—"

Agad akong tumango. "Seryoso po ako."

Napa-ngiti siya. "I'm not saying that I'm the best out there, but you can ask me questions," sabi niya. Tumingin ako sa kanya. May tiwala naman ako kay Atty. Marroquin—hindi naman niya ako ipapa-kilala siguro dito kung masamang tao 'to... but then again, 'di ako sure.

"Salamat po," sabi ko. Sabi din kasi nung isa kong prof, maganda daw talaga kung may mentor ka na gagabay sa 'yo. At least daw doon, 'di mo na uulitin iyong mga maling nagawa nila. Sobrang okay daw iyon lalo na if decided ka na sa gusto mong gawin—iga-guide ka nila at ipapa-kilala sa mga tamang tao.

Totoo naman kasi.

Sa mundong 'to, iyong mga may koneksyon ang unang umaangat.

Kaya pakshet talaga iyong mga nagsasabi na magsipag ka lang, e. As if naman iyon lang ang basehan. Kung iyon lang, bakit mahihirap iyong mga magsasaka?

"Pero 'di malakas pera sa labor," biglang sabi niya. Naglakad siya kaya naman sumabay na ako palabas. "Ilang taon na nga akong abogado, kaka-tapos ko lang magbayad sa condo," parang joke na sabi niya.

"Okay naman akong magrent muna," pabirong sabi ko rin kasi parang ang gaan niya kasama. "Saan niyo po nakilala si Atty. Marroquin?"

Natawa siya. "Ang formal," sabi niya. "Si Achi? Classmates kami nung law school," dugtong niya. "Valedictorian 'yun nung batch namin, e."

"Salutatorian ka ba?"

Natawa ulit siya. "Di, ah. Motto ko lang nung law school ay basta pumasa ako," sabi niya. "Pero nagreview naman akong maigi nung BAR kaya sinwerte, naka-sabit sa top 14."

Napaawang ang labi ko. Grabe! Big time naman pala! Tapos kahit nasa top siya, sa Labor pa rin siya pumasok.

Tinanong ni Atty. Marasigan kung may trabaho na ba ako at sinagot ko na sa online lang. Inofferan niya ako na kung gusto kong magtrabaho sa firm nila—maliit lang daw iyon at hindi malaki iyong sahod, pero kung gusto ko raw matuto talaga, matuto daw talaga ako sa dami ng ginagawa nila.

"Parang slavery 'yan, sir, ah," sagot ko kasi sabi niya literal na wala raw pahinga sa dami ng kasong hawak nila. Tapos meron din daw silang hawak na mga kaso laban sa mga malalaking corporation kaya minsan, delikado rin. 'Di naman ako kinabahan. Naniniwala talaga ako na kung oras ko na, oras ko na. At least kung mamamatay man ako bukas, meron na akong maipagmamalaki.

"Ganon talaga kapag beginner," natawang sagot niya. "Ganon din ako nung nagsisimula, e. Daming pinapa-gawa, puro rin ako reklamo, pero doon ko na-realize na dumami iyong alam ko sa dami ng pinapagawa nila. Kabisado ko na iyong procedure pati mas mabilis mong makikita iyong flaw sa arguments. Practice lang nang practice."

Wreck The Game (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon