Please follow @beeyotchupdated on twitter for real time tweet if any story got updated. Thank you.
#WTG33 Chapter 33
Tawa nang tawa si Indie nang sabihin ko sa kanya na inimbita ako ni Vito sa birthday niya. Naka-simangot ako dahil parang ang saya-saya ni gaga! Kulang na lang siguro e maputulan siya ng litid sa sobrang ligaya niya.
"Bakit ba tawa ka nang tawa?"
Nagpahid pa ng luha si gaga. "Obvious naman kasi niyang si Vito!" sabi niya na akala mo e kababata niya si Vito. Simula nung nagfourth year kami e mas lumakas ang topak ni Indie. Minsan iniisip ko na nasobrahan na siya sa dami ng inaaral niya kaya lumuluwag na ang turnilyo sa utak niya.
Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. "Obvious saan?"
"Sa balak niya."
"Na?"
"Magkita kayo ni Nikolai."
"Duh? Kaya nga ayokong pumunta."
"Pumunta ka!"
"Ayoko," sagot ko. "Iniiwasan ko nga iyong tao tapos pupunta ako sa birthday ng best friend niya? E 'di para lang akong naghanap ng sarili kong problema."
Sobrang gago talaga ni Vito para imbitahin ako! Alam ko naman na alam niya iyong sa amin ni Nikolai dahil minsan nung tumatawag si Nikolai sa akin ay rinig ko sa background iyong boses ni Vito na sinasabi na ibigay na iyong cellphone niya. Kaya medyo nagulat din ako na inimbita niya ako... Akala ko talaga e galit din siya sa akin. I mean, aminado naman ako na kung sa aming dalawa ni Nikolai, ako iyong unang bumitiw. Siya lang iyong nagsabi na break na kami, pero ako iyong dahilan kung bakit siya naka-rating sa puntong iyon.
"E 'di pa mahal mo pa rin naman?"
Hindi ako naka-sagot. Sa dami ba naman ng naging inuman session namin ni Indie, nasabi ko na rin sa kanya. Syempre mahal ko pa si Nikolai. Kahit ba maigsi lang iyong pinaka-relasyon namin, iba talaga iyong impact sa buhay ko. Doon ko talaga masasabi na wala 'yan sa haba ng pinagsamahan...
"E wala pa rin siyang tiwala sa akin," sagot ko.
"Paano mo nalaman?" Nagkibit-balikat ako. "May additional career ka na? Mindreader ka na rin?"
Umirap ako sa kanya. "Narinig ko kasi sa usapan nila ni Vito—"
"At eavesdropper na rin ang gaga!" pagputol niya sa sasabihin ko.
Umirap ulit ako. "Di ko naman sinasadya!" pagdedepensa ko sa sarili ko. Aba, malay ko ba na doon sila magkakaroon ng heart to heart talk ni Vito! For all I care, public property pa rin naman ang daan! "Napadaan lang ako tapos narinig ko lang."
Naka-tingin lang sa akin si Indie at bahagyang naka-arko ang kilay. Napa-irap ako. Ganyan siya kapag hinihintay na magsalita ako, e. No use din naman na magsinungaling ako sa kanya kasi alam niya kapag 'di ako nagsasabi ng totoo. Saka sobrang okay niya kausap kasi no judgment talaga—tapos sasabihin niya talaga sa akin kapag kagagahan iyong ginagawa ko. Tulad nung nangyari sa amin ni Nikolai—sobrang gaga ko raw para hingan ng timeline iyong tao.
Alam ko naman.
Pero ewan.
Nung panahon na 'yon, kailangan ko talagang malaman kung possible pa ba na mapatawad niya ako... Hindi iyong nagstay lang kami sa relasyon namin kasi mahal namin iyong isa't-isa kahit wala na siyang tiwala sa akin.
"Ayoko talagang pumunta," sabi ko. "Makikita ko siya roon. Tapos... baka maka-usap ko siya."
"And that's bad?"
BINABASA MO ANG
Wreck The Game (COMPLETED)
General Fiction(Game Series # 7) Jersey thought that her life's already as good as it's gonna get... Wala naman siyang karapatang magreklamo-pasalamat pa nga raw siya 'di siya pina-abort ng nanay niya nung nabuntis siya ng tatay niya. Pero araw-araw din naman sa k...