Chapter 16

204K 8K 3.1K
                                    

Please follow @beeyotchupdated on twitter for real time tweet if any story got updated. Thank you.

#WTG16 Chapter 16

"How was class?" tanong ni Nikolai habang nagmamaneho paalis sa school. Nagkibit-balikat ako. Gusto kong sabihin na okay lang kasi naka-sagot naman ako, kaso parang hindi okay iyong part na meron akong classmate na nasigawan. Nagegets ko iyong point ni Atty na responsibilidad naming mag-aral kasi choice naman daw namin na mag-enrol sa law school... pero gets ko rin si Ate girl dahil nakita ko siya kanina sa labas na kausap iyong boss niya ata na may biglang pinaayos sa kanya. Kaya imbes na mag-aral siya kagaya nung mga classmates namin, nandun siya sa labas at nagta-type ng kung anu-ano sa laptop niya.

Kung magkatabi lang sana kami, e 'di binulungan ko na siya ng sagot.

"Tingin mo ba nagtatanim ng sama ng loob mga prof?"

"Huh? Why?"

"Wala lang..."

"Did you get shouted at?"

Umirap ako. "Abang na abang ka sa downfall ko?" sabi ko sa kanya at tinawanan lang ako. Pasalamat siya ang yummy nung braso niya habang nagmamaniobra nung steering wheel. "Pero kebs lang naman kung nasigawan ngayon, 'di ba? 'Di naman 'yan dadalhin ng prof hanggang bigayan ng grades?"

'Di ko alam bakit masyado akong affected. Siguro kasi naranasan ko rin iyong gipit sa pera. Swerte ko lang ngayon dahil nakilala ko si Nikolai... pero naranasan ko rin iyong punto na walang-wala ako... na hindi ko alam kung saan ako huhugot ng pangkain ko...

Gets ko si ate na pilit pinagsasabay iyong trabaho at law school. 'Di rin naman kasi talaga biro iyong tuition sa SCA. Siguro kahit sa ibang law school din. Kasi libro pa lang, mapapa-aray na iyong wallet mo.

"I'd like to say that everything's professional... but some profs have biases. So, I really don't know."

"Grabe, mambabagsak sila dahil lang 'dun?"

"Yeah. I mean, sometimes, they say professors use the 'dart method.'"

"Seryoso?" tanong ko. Grabe... kahit sa law school may ganon? Akala ko nung college lang kasi pumapasa kaya ako kahit 'di ako puma-pasok. Ewan ko. Magic lang.

Nagkibit-balikat siya. "Who knows? It's not as if they're very transparent with the grading system," sabi niya. "What prompted you to ask this?"

Sumandal ako sa upuan at nagbuntong-hininga. Kinwento ko sa kanya iyong ganap kanina. Medyo naawa talaga ako kay Ate girl kasi grabe nasigawan talaga siya. Nung una ay good mood pa si Atty tapos biglang may hindi naka-sagot. Tapos meron ulit na hindi. Nung time na niya, ayun, parang bulkan na sumagot si Atty at kung anu-ano na ang sinabi.

"Sayang kung katabi ko siya, nabulong ko sana iyong sagot..." sabi ko. E tinatanong lang naman ni Atty iyong requisites. Konti lang naman.

"Seriously?"

Tumango ako. "Bakit naman hindi? 'Di naman ika-tataas ng grades ko iyong pagbaba ng grades nila," sagot ko. Nung college kaya kahit epal mga classmates ko, mga makakapal mukha kapag mangongopya sa akin. Kebs lang. Sila pa rin naman 'di matututo kapag kinopya lang nila at hindi pinag-aralan. Choice nila 'yan.

"Right..."

"Bakit?" tanong ko kasi parang 'di siya agree sa sinabi ko.

"I mean, it's nice and all, but sometimes, school cuts off the bottom 10 from the section. So, even if you pass, if you're part of the bottom, you'll still be kicked out. So, their grades matter."

Napa-tingin ako sa kanya. "Seryoso?"

"Not verified, but I think it's true. When we started, we're around a thousand, I think? Now that we're graduating, we're only 150."

Wreck The Game (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon