Chapter 31

173K 7.6K 2K
                                    

Please follow @beeyotchupdated on twitter for real time tweet if any story got updated. Thank you.

#WTG31 Chapter 31

Siguro ang pinagpapasalamat ko na lang talaga ay hindi kami ganoong nagtagal ni Nikolai. Hindi ako masyadong nasanay na nandyan siya. Kasi kung nagtagal pa kami? Malakas talaga ang pakiramdam ko na hindi na ako makaka-bangon. Iyong tipong araw-araw lang akong manghihinayang sa aming dalawa. Araw-araw kong iisipin kung nasaan na kaya kami ngayon kung hindi kami naghiwalay? Grabe... baka mabaliw nga ako kung nangyari iyon.

"Mababaliw na ko," sabi sa akin ni Mike. "Aga nung hearing bukas tapos may recit pa tayo. Saan ka na sa civ?"

"Sa—" sasagot pa lang sana ako nang putulin ni Jassy iyong sasabihin ko.

"Madedepress ka lang kapag kay Jersey ka nagtanong," sabat niya. "Malamang tapos na sa coverage 'yang si bakla."

Natawa ako. "Hater ka talaga."

"Sana all talaga mabilis magmemorize."

Napa-iling na lang ako habang nagrereklamo sila na mabilis akong maka-memorize. Ilang taon din kaming magkaklase pero hindi kami naging close. Hindi naman kasi ako sumasama sa mga gala ng class dahil kailangan kong magtrabaho. Kapag mayroon naman akong free time, mas trip kong makipagkita kay Indie para magkape at magcatch-up kaming dalawa. Ngayong fourth year lang kami naging close dahil nasa Legal Aid kami.

Dumiretso ako sa library para magreview. Halos 'di kasi talaga ako bumibili ng libro hanggang kaya. Masyado kasing mahal iyong libro. Kung kaya na basahin ko na lang sa library at saka hiramin, doon na lang ako. Siguro kapag abogado na talaga ako at malaki iyong sweldo ko, doon na lang ako bibili ng libro. Sa ngayon, tiis muna sa panghihiram.

'Di naman siguro ako forever na mahirap.

Pagkatapos kong mag-aral ay dumiretso na ako pauwi. Nung una ay nagta-trabaho ako sa GOCC, pero nitong fourth year ay mas pinili ko na magtrabaho nung online na lang para mas kontrolado ko iyong oras ko. Sobrang demanding kasi talaga sa dami ng pinapagawa sa school pati iyong sa legal aid namin. Kahit pa sabihin nila na mabilis akong magmemorize, syempre nahihirapan din ako kasi aaralin ko rin naman lahat 'yun.

May mga nagpaparamdam na lalaki, pero 'di ko sila pinapansin. Ayoko na talaga. Parang nadala ako sa nangyari sa amin ni Nikolai. Kung mangyayari ulit 'yon, 'di ko na alam kung saang kangkungan ako pupulutin. Saka mas maayos na 'to na naka-focus ako sa pag-aaral ko. Magiging abogado ako. Magkakaroon na ako ng pwede kong ipagmalaki.

Hindi na lang ako si Jersey na muntik ng ipalaglag ng nanay niya.

May mararating din ako sa buhay ko.

"Good morning po," bati ko roon sa kliyente. Hindi naman talaga kami iyong hahawak ng kaso sa legal aid, pero kami iyong gumagawa nung mga initial steps. 'Di rin kami magrerepresent sa court ng walang kasamang totoong abogado. Basta assistant lang kami. Nung una, 'di ko rin talaga alam kung ano ang mangyayari sa akin kasi puro lang kami basa ng mga kaso at mga concepts... pero simula nung naglegal aid, mas na-appreciate ko na talaga iyong abogasya... Nakikita mo na kasi talaga iyong epekto niya sa totoong buhay.

"Good morning po, Ma'am," bati sa akin ng matandang lalaki sa harapan ko.

Nagsimula ako sa pagtatanong sa kanya kung ano ang maitutulong namin. Puro indigent ang kliyente namin sa legal clinic. Nagsabi lang si Manong nung problema niya sa trabaho na tinanggal daw siya bigla tapos ay ayaw daw ibigay sa kanya iyong separation pay niya kahit isang dekada na siyang nagta-trabaho roon.

"Saan po ba kayo nagta-trabaho?" tanong ko habang nagsusulat ng notes. Gusto kasi ni Attorney ay kumpleto iyong notes namin, tapos kapag ganito na labor cases ay dapat siguraduhin muna namin kung may employer-employee relationship ba para hindi masayang iyong pagod namin kung sakali.

Wreck The Game (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon