Chapter 39

214K 8K 5.1K
                                    

Please follow @beeyotchupdated on twitter for real time tweet if any story got updated. Thank you.

#WTG39 Chapter 39

Paminsan ay nagsesend pa rin ng email si Nikolai. Hindi pa rin siya unblocked sa number ko—hindi rin naman siya nagsasabi na iunblock ko siya. Kuntento na siya sa paminsan na pagrereply ko sa email niya. Minsan din naman kasi ang random ng mga sinasabi niya kaya hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko sa kanya.

"Sir, paupo," sabi ko nang makita ko si Atty. Marasigan doon sa KFC. For some reason, maraming kumakain ngayon. Usually kasi ay wala kaya dito ako nagrereview tuwing tanghali. The best pa rin iyong manok nung Jollibee... pero mas bet ko iyong fries dito.

"Exam mo, Sir?" tanong ko dahil nakita ko na may mga reviewer siya. Hindi naman kasi sabay iyong exam namin dahil nasa masters na si Atty. Marasigan. Sabi niya mas okay daw magmasters kung gusto ko ng mas mataas na posisyon plus maganda raw sa resume. Saka ko na iisipin iyon—ang mas importante ay maging abogado muna ako.

Tumango siya habang kumakain nung fries at nagbabasa. "Mamaya."

"E 'di ba may meeting ka mamaya?"

"Diretso na ako sa school after nun," sabi niya habang diretso pa rin iyong mga mata sa binabasa niya. Bigla siyang napa-tingin sa akin. "Grabe maka-titig," sabi niya na may panunukso.

Natawa ako. "Bakit? May magagalit ba, Sir?"

Natawa rin siya. "Wala. 'Yung huling girlfriend ko sinabihan ako na pakasalan ko raw iyong laptop ko."

Ang lakas ng tawa ko kasi naman totoo lang! Lagi niyang kaharap iyong laptop niya dahil nagtatype siya ng kung anu-anong pleading at nandoon din iyong mga cases niya. Siya sa office iyong wala masyadong papel dahil mas gusto niya iyong soft copy.

"Dapat sa 'yo, Sir, iyong kasing workaholic mo rin."

"Saka na. Bata pa naman ako."

"Lolo ka na, e."

Sinamaan niya ako ng tingin kaya natawa ako sa kanya. After nun e hindi na ako nag-ingay dahil busy siya sa pagrereview kaya sinabayan ko na lang din siya sa pag-aaral.

'Lunch time. Are you eating?'

'Yup. Ikaw?'

Hindi ako madalas sumagot, pero kapag may time ako at nasa mood, sumasagot pa rin naman ako kay Nikolai.

'Busy with work.'

'E bakit ka nageemail?'

'You're my rest.'

Napa-ikot ang mata ko. Napaka-raming alam talaga! Sabagay... ganito rin naman siya dati nung kami pa, pero ang kaibahan lang, after niya magsabi ng mga ganyang line, sabay kaming matatawa ng malakas kasi napaka-korni!

Pota.

Nakaka-miss talaga kami dati.

'Can I know where you work? Won't go there uninvited—just wanna send food over.'

'Okay lang may malapit na fastfood naman dito.'

'Jollibee?'

'KFC.'

'But Jollibee's still the best, right?'

'Wala naman masama magexplore. 'Di naman ako exclusive endorser ng Jollibee.'

'We're still talking about fastfood, right?'

Natigil ako sa pagta-type dahil tumayo si Atty. Marasigan. Napa-tingin ako sa relo ko at time na pala para bumalik sa office. Pagdating namin doon ay dumiretso na agad kami sa trabaho—no rest for the wicked talaga ang peg dito!

Wreck The Game (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon