Chapter 36

181K 8.1K 3K
                                    

Please follow @beeyotchupdated on twitter for real time tweet if any story got updated. Thank you.

#WTG36 Chapter 36

Nasa isang parang conference hall kami dahil dito gaganapin iyong unang conference para pag-usapan kung paano ang mangyayari sa negotiation para sa bagong CBA. Kausap nung president ng SEBA si Atty. Marroquin habang nagrerecord ako at nagsusulat ng notes.

"Pwede kang umalis kung kailangan," sabi ni Atty. Marroquin.

"Thank you po," sagot ko. Meron kasi akong exam mamaya. Maaga pa naman, pero at least sinabi ni Atty na pwede akong umalis kung gusto ko. Nakapag-aral na rin naman ako roon. Isang linggo akong todo focus lang sa pag-aaral para walang distraction. Ngayon ay gusto ko namang dito sa actual tumulong. Sa school kasi ay puro concepts lang tungkol sa batas ang inaaral namin—iba pa rin talaga iyong kapag naaapply mo na iyong pinag-aralan mo.

Nagbasa na lang ako nung notes ko habang hinihintay naming dumating iyong kabilang kampo. Kasi kapag hindi sila dumating, walang mangyayari ngayon. Sayang iyong oras. Pero ayos lang din naman kasi in case na hindi ulit sila sumipot sa susunod, at least good thing iyon sa part namin.

Nang tumayo si Atty. Marroquin ay automatic na napa-tayo rin ako. Bahagyang kumunot ang noo ko nang makita ko si Nikolai na kasama nung legal team nung hotel nila. Sabagay, siya nga pala iyong head ng legal department. Ewan. Bahala siya d'yan.

Nagsimula na iyong meeting. Tahimik lang akong nakikinig at nagsusulat habang pinag-uusapan nila kung kailan iyong frequency ng meeting at kung anu-ano iyong provisions na open for negotiation. Ang hiling lang naman talaga nung mga empleyado ay mas mataas na sahod at mas magandang benepisyo—kung sa opinyon ko lang ay ayos naman iyong mga demands nila... Ewan ko lang sa kabilang kampo.

Napagdesisyunan na tuwing dalawang linggo iyong meeting. Puro tungkol sa economic provisions lang iyong na-discuss dahil wala naman atang papalitan sa SEBA. Nang matapos iyong ay tumayo na ako.

"Sa school ka ba didiretso?" biglang tanong ni Atty. Marroquin habang naglalakad kami palabas. Tumango ako. "Doon din ako papunta, kung gusto mo lang na sumabay," seryosong sabi niya. Medyo natawa ako dahil walang ka emo-emosyon iyong pagkakasabi niya. Gusto ko ngang biruin kung genuine ba iyong offer dahil parang keri lang naman sa kanya kahit sumabay ako o hindi.

"Pasabay ako, Attorney," sabi ko sa kanya. Napa-tingin ako nang magka-salubong kami ni Nikolai. Tumingin lang ako sa sandali sa kanya tapos ay nagpa-tuloy sa paglalakad. Hindi ako lumingon—ni hindi ako na-tempt na lumingon. Ewan. Parang natauhan talaga ako sa huling pagkikita namin. Na bakit ko ba pinapa-hirapan iyong sarili ko? Nagbreak kami noon kasi ang toxic na... Ganoon pa rin naman ngayon. Wala namang nagbago. Kaya bakit pa ako manghihinayang?

Pagbalik ko sa school, nagpasalamat lang ako kay Atty. Marroquin. Nakita ko sila Mike na naka-tambay sa labas ng school. Agad nila akong tinukso nang makita nila ako.

"Mukha kayong timang," sabi ko sa kanya.

"Kaya naman pala deadma sa mga classmate! Prof pala ang nais!" sabi ni Jassy sa akin. "Teh, 'di talaga maaabot ng classmates natin 'yang gusto mo—ang yummy kaya ni Sir!"

Inagaw ko na lang iyong reviewer niya. Sinasabi nitong baliw na 'to. 'Di ko type si Sir at mas sure ako na 'di ako type ni Sir. Nakita ko si Sir dati na may kasamang lalaki at mukhang jowa niya—pero 'di ko pinagkakalat kasi 'di ko naman kwento 'yun.

Ganoon lang iyong nangyari sa buong linggo ko. After ng exam ay uuwi muna ako para umidlip tapos ay magkikita kami ni Indie para mag-aral ng sabay. 'Di na namin pinag-uusapan si Nikolai... kasi after ko ikwento sa kanya iyong nangyari, sinabi lang ni Indie sa akin na ang gago raw ni Nikolai at 'wag na raw namin siyang pag-usapan.

Wreck The Game (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon