Please follow @beeyotchupdated on twitter for real time tweet if any story got updated. Thank you.
#WTG52 Chapter 52
"Jersey?"
"Yes?" sagot ko nang tumawag si Shanelle sa akin. Normally, ayoko talaga sumasagot ng personal na tawag kapag nasa trabaho ako kasi gusto ko na naka-focus lang ako roon. Kaso, si Shanelle ay hindi naman tumatawag talaga. So, naisip ko na baka importante.
"Do you know where Niko is?"
"Sa hearing, 'di ba?" sagot ko habang naghahanap ng makakain. Kaka-tapos lang kasi nung meeting ko and kailangan kong kumain para gumana iyong utak ko. Ang hirap naman kasi rito sa Labor na malalaking kumpanya ang kalaban mo. Isa lang ako tapos kalaban ko team of lawyers? Nasaan ang hustisya?!
"Jersey," pagbanggit niyang muli sa pangalan ko.
"Shanelle?" paggaya ko dahil natawa ako sa tono niya.
"You haven't heard yet."
Mabilis na kumunot ang noo ko. Napa-tuwid ako ng tayo. Bahagyang humigpit ang pagkaka-hawak ko sa cellphone ko. "Ang alin?" tanong ko. Ramdam na ramdam ko iyong unti-unting pagbilis ng tibok ng puso ko, iyong pagsikip ng dibdib ko.
Para akong masusuka.
Akala ko okay na.
Parang bumalik ulit ako sa dati.
Nung mga panahon na hindi ako maka-labas dahil sa takot sa kung ano ang kayang gawin ng pamilya ni Nikolai... Iyong nangyari sa BAR exam...
"Shanelle—"
"Where are you? Puntahan kita."
"Nasa office ako. Ano ba kasing meron?" tanong ko. "Sabihin mo na. Kinakabahan ako. Ano'ng nangyari kay Nikolai?" Kinuha ko iyong work phone ko at sinubukang tawagan si Nikolai roon, pero hindi ko siya ma-contact. Agad akong tumayo at kinuha iyong susi ng sasakyan. Ni hindi ko nagawang magpaalam dahil ang kailangan kong malaman kung nasaan si Nikolai. I swear to god! Kung hindi niya ako papayagang mamatay, 'wag din siyang mamamatay! Tangina siya! Iiwanan niya ako sa pakshet na mundong 'to?!
"Hindi ko ma-contact si Nikolai. Nasaan ba siya?" tanong ko habang halos takbuhin ko iyong sasakyan.
"Where are you?"
"Tangina naman, Shanelle. Paki-sagot muna 'yung tanong ko!" naiinis na sagot ko dahil kung saan-saan na napupunta iyong imagination ko!
"Just calm down—"
"Paano ako kakalma sa tono ng boses mo?!"
"I just don't want to get you into an accident. If you're driving, please just pull over," kalmadong sabi niya. Isinandal ko iyong ulo ko sa steering wheel at huminga nang malalim. Ilang segundo akong tahimik. Hindi patay si Nikolai. Hindi siya pwedeng mamatay. Tangina niya.
"Okay," mahinang sabi ko bago nagsimulang ipaliwanag ni Shanelle kung ano iyong nangyari.
Sinubukan kong magdrive.
Sinubukan kong gumalaw.
Nanginginig iyong buong sistema ko.
Paulit-ulit na bumabalik sa isip ko iyong kaninang umaga... Ang saya-saya niya pa dahil may nagagawa siya para sa kaso ni Assia... Hindi siya pwedeng mawala. Hindi ngayon. Hindi niya ako pwedeng iwan. Pupunta pa kami sa beach. Aalis pa kami. Iiwan pa namin lahat sila.
Pinuntahan ako ni Shanelle. Hinatid niya ako pauwi. Kanina ko pa tinatawagan si Nikolai pero biglang hindi na siya ma-contact. Nanginginig iyong mga kamay ko habang tinatawagan ko iyong tatay niya... Hindi ko na alam kung kanino ako lalapit.
BINABASA MO ANG
Wreck The Game (COMPLETED)
General Fiction(Game Series # 7) Jersey thought that her life's already as good as it's gonna get... Wala naman siyang karapatang magreklamo-pasalamat pa nga raw siya 'di siya pina-abort ng nanay niya nung nabuntis siya ng tatay niya. Pero araw-araw din naman sa k...