Chapter 07

224K 7.7K 5.2K
                                    

Please follow @beeyotchupdated on twitter for real time tweet if any story got updated. Thank you.

#WTG07 Chapter 07

Natigang na ako kaka-hintay nung next time na sinasabi niya pero dalawang linggo na ang lumipas ay wala akong narinig mula sa kanya. Pero in fairness naman talaga sa kanya kasi binigyan niya ako ng trabaho. 'Di ko nga lang alam kung kanino iyong business pero para 'tong bar—pero hindi kagaya nung mga pinagtrabahuhan ko noon dahil parang mas chill 'to. Saka naka-tunganga lang naman ako rito. 'Di ko nga alam ano ambag ko rito. Sa sobrang bored ko baka ako na lang maghugas ng mga baso, e.

"Paturo nga," sabi ko kay Clark, iyong bartender dito. Wala pa kasing masyadong tao rito sa bar dahil maaga pa. Nandito na si Clark para ayusin iyong mga kagamitan niya. Nandito agad ako kasi ewan ko manager ata ako rito. 'Di ko rin alam! Sabi lang ni Nikolai dito ako nagta-trabaho. Feel ko tuloy salingketket lang ako.

"Magmix?"

Tumango ako. Gin bulag lang alam kong inumin, e. Mukhang masarap iyong mga inumin sa bar na 'to kaso na-stress ako sa presyo nung makita ko iyong menu. Isang litrong red horse na 'yan, e.

"Tequila sunrise," sabi ko. "Paano 'yun?" tanong ko dahil madalas na naririnig ko na inoorder iyon nung mga babae.

"Babayaran mo ba 'tong mga iinumin mo?" naka-tawa niyang tanong habang naglalagay ng mga baso sa harapan ko. Naka-upo kasi ako roon sa may stool sa harap ng bar.

"Feeling ko boss mo ako, so dapat libre na 'to."

"Sila Sir Niko ang boss ko," sagot niya.

Medyo kumunot ang noo ko. "Si Nikolai?"

Tumango siya habang naglalagay ng kung anuman sa baso. "Silang tatlo nila Sir Vito may-ari na 'to. 'Di mo ba alam?" tanong niya at umiling ako. Akala ko friend niya may-ari nito—'di ko naman akalain na siya rin.

Bakit ba napaka-raming pera ng isang 'yun? Medyo dumadating na ako sa point na nakakapagduda, ha!

"Tequila sunrise," sabi ni Clark sabay lapit sa akin ng isang baso.

"Thank you," sagot ko sabay tikim. Pwede na rin. Kaso baka 'di kasing lakas ng gin bulag tama nito. Iyong gin bulag kasi 'di mo sure tapos biglang naghahamon ka na ng away sa mga aso sa kalye niyo. "So... matagal ka na ba rito?" interview ko sa kanya.

Sabi ni Clark na siya na iyong bartender simula nung buksan nila Nikolai itong bar nila years ago. Apparently ay maraming iba-ibang business si Nikolai at iyong si Vito at Sancho raw na mukhang best friend ata ni Nikolai.

"May girlfriend ba si Nikolai?" tanong ko nung ang tinitikman ko naman ay iyong Screwdriver after nung Cosmopolitan at Daquiri.

"Di ko alam," sagot niya. "Dati akala ko 'yung Assia kasi lagi kong naririnig sa kanya kaya lang 'dun ata 'yun kay Sir Vito."

Assia pala...

Tsk.

Inistraight ko nga iyong Screwdriver.

Pagkatapos nung Moscow mule ay sinabi ni Clark na last ko na raw iyon kasi kailangan niya ng mag-ayos dahil mag-oopen na daw kami. At bakit daw ba ako umiinom e ako raw manager dito. Hindi ko rin alam!

Nagpasalamat ako kay Clark bago ako dumiretso sa office kuno ko. Dumiretso ako roon sa upuan at saka umiglip dahil inantok ako bigla sa mga ininom ko. Nang magising ako ay nakita kong 11pm na pala. Tumayo ako at saka dumiretso sa labas para magcheck para kunwari ay may silbi naman ako rito at may silbi naman iyong sweldo ko.

Maraming tao ngayong gabi dahil Sabado. Nakita ko na busy si Clark doon sa bar. Mukhang okay naman. 'Di ko talaga alam kung ano ang role ko rito dahil parang kahit naman wala ako ay gagana naman sila. Role ko yata rito talaga ay maging maganda. Display ata ako rito.

Wreck The Game (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon