Please follow @beeyotchupdated on twitter for real time tweet if any story got updated. Thank you.
#WTG40 Chapter 40
Minsan ay pina-padalhan ako ni Nikolai ng pagkain. Hindi naman chismoso iyong mga tao sa firm... pero syempre, na-curious na rin siguro sila dahil thrice a week nagpapadala ng kung anu-anong pagkain si Nikolai. Lagi ko na lang sinasabi na ako iyong umoorder. Iniisip siguro ng mga 'to na marami akong pera!
"Boyfriend?"
Agad akong umiling. "Hindi, ah!"
Natawa siya. "Grabe makapagdeny."
Tumawa lang ako. "Wala nga kasi," sabi ko. Comfortable na ako sa firm. Nung una kasi ay medyo ilag ako na kausapin sila kasi syempre abogado na sila tapos estudyante pa lang naman ako. Pero normal lang naman sila—more on the serious side nga lang kasi sobrang busy din talaga.
Pero birthday ni Atty. Marasigan ngayon at sa 'di ko malamang dahilan ay kinantsawan siya ng mga tao sa firm para manlibre.
"May kwento ba?" bulong ko kay Steve.
Tumawa siya. "Nililibang lang namin si Dar," sagot niya na natatawa habang umiiling. Dar ang tawag sa kanya ng mga tao sa firm—si Atty. Marroquin lang ang tuma-tawag sa kanya ng Darius, as in buong-buo. "Saktong birthday niya kasi nung binreak nung ex niya—umiiyak pa 'yan dati kaya simula last, last year, kapag birthday niya, lumalabas talaga kami para mag-inom."
Napaawang iyong labi ko—iyon ata iyong sinasabi niya na sinabihan siya na pakasalan iyong laptop niya! I mean... sa isang banda, hindi ba dapat suportive ka sa ganap ng jowa mo? Pero minsan hindi mo rin naman masisisi kung halos hindi ka na rin pinapansin.
Tsk.
Sakit sa ulo talaga ang jowa na 'yan—buti single ako ngayon!
Kumain muna kami ng dinner pero kkb. Sobrang ingay nila kasi kung anu-ano ang pinag-uusapan nila—partida wala pang lasing sa kanila niyan. After nung dinner ay pumunta kami sa karaoke. Umorder sila ng maraming cheese stick, fries, at saka red horse—iyon ang si Atty. Marasigan ang magbabayad.
Dahil may hiya pa naman ako kahit papaano ay pakuha-kuha lang ako ng kaunti roon sa fries habang sila ay nag-iinuman at nagkakantahan na. Mukhang may brokenhearted pa ata kumanta si Steve nung Alaala. Napa-ngiti ako. Naalala ko nung papunta kami ni Nikolai sa La Union kasi kinanta ko iyon tapos ay tinuruan ko siya magrap.
Kinuha ko iyong cellphone ko. May email nga siya, as expected.
'It's Friday. Any plans?'
'Kasama ko workmates ko.'
'You have no class tomorrow?'
'Isa lang pero nagsabi na lecture.'
'Will you be drinking?'
Bago pa ako makapagtype ng reply ay inabutan ako ng isang bote ng Red Horse. "Mamaya na mga jowa!" sabi ni Ching na mukhang lasing na agad. Napa-tingin ako sa paligid at medyo nanlaki ang mga mata ko dahil ang dami na agad na bote! Luh?! Ang bilis naman uminom ng mga 'to!
"Wala nga akong jowa," sagot ko tapos tumungga nung Red Horse. Tumingin ako kay Renz na tubig ang iniinom. "Ikaw maghahatid?" tanong ko kasi mukhang mga lasing na 'to mamaya. Tumango lang siya. Mabuti naman. Wala kasi akong sasakyan.
Hinatak nila ako papunta sa makeshift stage tapos ay nagkantahan kami ng Basang-basa Sa Ulan at iba pang kanta ng Aegis. Akala ko ay mauubos na ang boses ko sa kaka-sigaw kasama sila.
'Oo pero kaya ko naman sarili ko,' reply ko kay Nikolai matapos ang isang oras. Pinagpawisan ako sa sobrang pagtalon at pagkanta. Nakaka-pagod pero nakaka-enjoy. Ang sarap sa feeling. Mabuti talaga dito ako na firm napunta. Ang bait nila saka kahit naka-rating sa kanila iyong chismis sa nangyari dati, wala lang silang pakielam. Ni hindi nila ako tinanong tungkol doon—na para bang wala lang iyon at ako pa rin naman si Jersey na ka-trabaho nila.
BINABASA MO ANG
Wreck The Game (COMPLETED)
General Fiction(Game Series # 7) Jersey thought that her life's already as good as it's gonna get... Wala naman siyang karapatang magreklamo-pasalamat pa nga raw siya 'di siya pina-abort ng nanay niya nung nabuntis siya ng tatay niya. Pero araw-araw din naman sa k...