Chapter 42

213K 8K 5K
                                    

Please follow @beeyotchupdated on twitter for real time tweet if any story got updated. Thank you.

#WTG42 Chapter 42

"Pagod na pagod na ako..." pagod na sabi ko kay Nikolai habang naka-yukyok iyong ulo ko sa lamesa. Kanina pa niya sinasabi sa akin na 'wag kong gawin iyon dahil madumi iyong lamesa, pero wala na talaga akong energy sa katawan. Ilang buwan na lang at BAR exam na. Pagod ako sa pagrereview. Para akong tino-torture araw-araw.

Naramdaman ko iyong paghagod niya sa tuktok ng ulo ko. Na-relax ako kahit konti. Hindi pa rin naman kaming dalawa... pero gets na namin 'yun. Magkasama kami tuwing Sunday tapos minsan nagtetext tuwing weekdays. Basta alam niya na focus ko talaga iyong review ngayon. Malinaw na malinaw na sinabi ko sa kanya na goal kong maging abogado bago pa man ang ibang bagay.

"Maybe you can take a break from working," sabi niya.

"Ayoko. Marami akong natututunan sa trabaho ko."

"You can always learn more when you're already a lawyer."

"Baka maka-hanap sila ng ipapalit talaga sa akin," sagot ko. Gusto ko talaga doon sa firm. Feeling ko doon talaga ako maggo-grow as a person at as a lawyer. Alam mo 'yun? Kapag lumalabas kami, parang friends talaga at barkada kami... pero kapag nasa loob ng opisina, seryoso at trabaho talaga. Kumbaga, nakita ko na iyong best of both world kaya ayokong pakawalan.

"There are lots of other firms."

"Gusto ko roon."

Tumingin ako sa kanya. Medyo umirap siya. Kinunutan ko siya ng noo. "Friends lang kami ni Darius."

Mas kumunot ang noo niya. "So, it's Darius now? What happened to Atty. Marasigan?"

Tinawanan ko siya. "Darius na raw itawag ko, e," sabi ko tapos sumimangot si Nikolai. Umayos ako ng upo. Tumunog iyong tiyan ko kaya naman umorder na kami ng pagkain. Nasa Tagaytay kasi kami ngayon. In fairness kay Nikolai na kahit Sunday lang kami nagkikita, talagang sinu-sulit niya. Madalas kami sa Tagaytay o kaya naman sa Batangas kapag feel niya na dalhin ako sa beach. One time din ay nagpunta kami sa Puerto Galera. Sabi niya kasi na alam niya iyong pagod ko buong linggo kaya gusto niya ma-relax ako kapag Sunday.

Umorder lang kami ng pagkain tapos ay nagkwentuhan. Ang ganda ng view sa coffee shop na 'to. Nakaka-relax talaga. Nandoon kami mula lunch hanggang dinner. Sobrang nakaka-amaze lang talaga na 'di kami nauubusan ng pag-uusapan.

"Thanks for today," sabi ko nung ihinto niya iyong sasakyan niya sa harap ng apartment ko. Alam ko hassle sa kanya kasi medyo traffic pabalik sa hotel niya.

"Anything for you," malambing na sagot niya.

Alam ko dapat bumaba na ako. Kasi ganoon kami. Magkikita ng brunch ng Sunday tapos ay ihahatid niya ako pauwi. Halos dalawang buwan na rin na ganito kami. Sobrang kalmado. Kahit sobrang stressful nung buong linggo ko, mayroon akong nilu-look forward tuwing linggo.

"Uhm... Gusto mong magkape sa loob?"

"We already had 2 cups," sagot niya.

Umirap ako. "Ayaw mo bang pumasok sa loob?"

Kumunot ang noo niya at bahagyang nanlaki ang mga mata. "You're inviting me inside?" medyo gulat na sagot niya.

Simula nung maging okay kaming dalawa, never pa siyang naka-pasok sa apartment ko. Ewan. Para bang... ang permanent na kapag pumasok siya. Para bang symbolism na papasok na talaga siya sa buhay ko. Kaya hindi ko talaga siya inaaya. Hanggang sa labas lang siya.

Pero parang okay na talaga kami ngayon.

"Ayaw mo ba?" tanong ko na medyo naka-arko ang kilay, pero imbes na sumagot ay mabilis niya lang na tinanggal iyong seatbelt niya. Natawa ako. Parang bata talaga 'to.

Wreck The Game (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon