Please follow @beeyotchupdated on twitter for real time tweet if any story got updated. Thank you.
#WTG47 Chapter 47
Tahimik kong binibilang ang bawat segundo habang hinihintay ko si Nikolai na magsalita. Hindi ko alam kung gaano katagal... pero naghintay ako. Gusto ko lang malaman kung ano ang nasa isip niya. Ayoko siyang madaliin kagaya nung ginawa ko dati. Alam ko na mali ako doon. Hindi ko na uulitin. Mahirap sa kanya 'to kaya kailangan kong maghintay.
Ano ba naman iyong maghintay ako?
Masyadong mabigat iyong hinihingi ko sa kanya.
"What... exactly do you want me to do?" dahan-dahan na tanong niya sa akin.
"Hindi ko rin alam..." Lumapit ako sa kanya. Hinawakan ang kamay niya. Gusto ko lang talaga na alam niya na kahit anuman ang mangyari, nandito lang ako. Hindi ako aalis. Hindi ako lalayo. Hindi ako tatakbo. "Ayoko lang na magbulag-bulagan ka... ako... tayo... na walang nangyayari kung meron nga talaga."
"I know that. I just don't know how I'd turn in my family."
"Hindi pa naman natin sigurado," pampalubag-loob ko sa kanya.
"And when we're already certain?"
Napa-buntung-hininga ako. "Saka na natin isipin," sagot ko na lang dahil sa totoo lang, parang sasabog na talaga iyong utak ko sa dami ng posibilidad.
Nagka-sundo kaming dalawa ni Nikolai na 'wag na munang pag-usapan iyon. Kumain kami ng dinner dalawa tapos ay nasa sofa kami. Nanonood kami ng kung anumang palabas sa Netflix pero wala naman kaming naiintindihan pareho. Basta naka-yakap lang siya sa akin at panay ang buntung-hininga.
Hanggang sa pagtulog niya ay ramdam ko iyong pagka-lito niya sa kung ano ang gagawin niya—na alam niya iyong dapat niyang gawin... pero at the end of the day, pamilya niya pa rin iyon.
Ano ba'ng mahirap intindihin doon?
Kinabukasan ay nagsabi si Nikolai sa akin na pupunta siya para kausapin ang nanay niya. Hindi ako mapa-kali. Sinubukan ko muling magreview pero parang sumasayaw ang bawat letra sa mga mata ko.
Gusto kong lumabas.
Gusto kong tumulong.
Pero mas mag-aalala lang si Nikolai kung aalis ako.
"Salamat," sabi ko nang abutan ako ng kape ni Vito. Tipid na tumango lang siya sa akin. Naka-tingin ako sa kanya. Hindi ko alam kung paano sasabihin... kung saan magsisimula... Ayoko rin naman na magkwento talaga kasi pamilya ni Nikolai iyon at siya lang ang may karapatang magkwento nun—kahit pa sabihin na kaibigan niya 'tong kaharap ko.
"Tagal niyo ng magkakilala ni Nikolai, noh?"
Tumango siya. "More than 2 decades."
"Paano siya nung bata?"
"Spoiled rotten," sagot ni Vito. "He's an only child, so his mom gives him literally everything. You know his mom donated buildings just to get him to graduate?"
Natawa ako. "Nasabi nga niya. In his defense daw, ilang beses siyang nagkasakit nun," sabi ko. Pati ilang beses din daw siyang muntik ma-kidnap so marami talaga siyang na-miss na araw sa eskwela. Natatawa ako tuwing naisip ko kasi todo defend pa talaga siya.
"Right," sabi ni Vito. "He used to always play under the rain."
Napa-ngiti ako. Cute niya siguro tignan! Nung nakita ko pa naman mga pictures nila nung bata pa sila, ang cucute nilang magkakaibigan! Pwedeng model ng catalogue, e!
BINABASA MO ANG
Wreck The Game (COMPLETED)
General Fiction(Game Series # 7) Jersey thought that her life's already as good as it's gonna get... Wala naman siyang karapatang magreklamo-pasalamat pa nga raw siya 'di siya pina-abort ng nanay niya nung nabuntis siya ng tatay niya. Pero araw-araw din naman sa k...