Chapter 49

172K 6.8K 2.1K
                                    

Please follow @beeyotchupdated on twitter for real time tweet if any story got updated. Thank you.

#WTG49 Chapter 49

Sobrang tahimik ni Nikolai... Madalas na nakikita ko siya na parang sobrang lalim ng iniisip. Alam ko na gusto niyang may gawin kami—gusto ko rin naman 'yon... pero tama silang lahat, e. Wala naman kaming pwedeng gawin. Hindi kami pwedeng maging testigo kasi ano ba ang alam namin? Hindi namin pwedeng ibigay iyong mga dokumento kasi alam namin na hindi naman admissible sa korte 'yan dahil kinuha lang ni Nikolai nang walang paalam.

Ang daming kailangang sundin sa batas.

Minsan... tangina lang, 'di ba?

Parang mas pabor pa sa mga puro kagaguhan lang ang ginagawa.

"Jersey." Agad akong napa-tingin nang tawagin niya ang pangalan ko. "I've been thinking..."

Hindi ako nagsalita at naghintay lang sa susunod niyang sasabihin. Sobrang kinakabahan ako kasi kung anuman 'yang sasabihin niya, alam ko na ilang araw niya nang pinag-iisipan 'yan.

"You know that if I could, I'd give you the world, right?"

Agad na kumunot ang noo ko.

"I want to give you the best things in life because you deserve it... but also, to do that, I'd have to use the privilege my parents afforded me..."

Napaawang ang labi ko. Agad kong hinawakan iyong kamay niya. Hinigpitan ko ang hawak ko doon.

"Nikolai, laking hirap ako, okay?"

"I know, and I'd do anything so that you won't experience that ever again."

Tipid akong ngumiti. "Alam ko," sabi ko sa kanya. "Pero hindi ko naman kailangan 'yung sobrang yaman. Basta may matutulugan tayo saka hindi iyong tipo na problema natin kung may kakainin ba tayo bukas... okay lang ako, promise."

Hindi siya nagsalita.

"It's not like we'll be impoverished, Jersey," sabi niya. "I still have some investments and some businesses with my friends," dugtong niya. "We'll be fine... but I won't be able to give you the life that I want to offer you."

Hinawakan ko iyong dalawang kamay niya at ngumiti sa kanya. "It's the thought that counts?" pabiro kong sabi sa kanya, pero mukhang problemado pa rin siya. Isinara ko iyong reviewer ko at huminga nang malalim. "Promise, okay lang ako. Saka kung anuman mangyari, pwede naman tayong magtrabaho. Magkasama naman tayo, so magiging okay lang tayo."

Unless haharangin kami ng nanay niya at ipapa-blacklist sa mga kumpanya—which I doubt gagawin niya kasi at the end of the day, obvious naman na mahal na mahal niya iyong anak niya.

"Are you sure?"

Tumango ako. "Sure na sure," sagot ko. "So... mag-eempake na ba ako ng gamit?"

Kumunot ang noo niya. "Why?"

"Kasi... mahal 'yung condo na 'to?"

Napaawang ang labi niya at parang natawa siya. "Ga... we can still afford to live here. I didn't say that we're flirting with poverty line."

"E kasi kung makapag-emote ka naman akala mo bente na lang laman ng bank account mo, e!"

Napa-iling siya habang natatawa sa akin. "I was talking about my trust fund. And I figured that you, being my future wife, has a say on whether I should give it up or not."

Napaawang ang labi ko. "Alam mo, gusto kong malaman kung magkano... but 'wag na lang kasi baka manghinayang ako."

Natawa siya. "Yeah, it's better if you don't know."

Wreck The Game (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon