Chapter 44

197K 7.7K 4.7K
                                    

Please follow @beeyotchupdated on twitter for real time tweet if any story got updated. Thank you.

#WTG44 Chapter 44

Nagtataka si Nikolai nang magtext ako sa kanya na sunduin niya ako pagkatapos ng trabaho niya. Ngiting-ngiti siya habang naka-tayo sa harap ng sasakyan niya at kumakaway sa akin. Ngumiti din ako sa kanya. Nangyari na 'to dati. Hindi ako nagsalita agad kaya nagkanda-gulu-gulo na. Ayoko ng maulit kaya kailangan ko siyang kausapin agad.

Saktong maglalakad na ako papunta kay Nikolai nang magka-sabay kami ni Atty. Marasigan. Naka-tingin siya sa akin—walang kahit na anong reaksyon sa mukha niya.

"Ingat," sabi niya na parang may laman kaya naman simpleng tumango lang ako sa kanya. Hindi ko alam kung ano ang iisipin ko sa kanya. Mukha naman siyang maayos na tao... si Atty. Marroquin pa ang nagpakilala sa kanya sa akin.

Kaso kung mamimili ako sa kanilang dalawa, kay Nikolai ako mas makikinig.

Huminga ako nang malalim bago ako lumapit kay Nikolai.

"Hey," naka-ngisi niyang sabi.

"Kumain ka na?" tanong ko.

Umiling siya. "I was about to ask you, actually," sabi niya habang suma-sakay kami sa loob ng Jeep niya. "Dine out or we just order?" tanong niya. "Also, your apartment or in my place?"

Parang narinig ko ulit iyong sinabi sa akin kanina.

Bawat hotel, bawat floor.

Kaya ba nandoon si Nikolai—

Agad akong umiling.

Ayokong mag-isip ng masama hanggang hindi ko naririnig mismo galing sa bibig niya na alam niya—kung totoo man—iyong sa business ng pamilya niya.

"Sa apartment ko na lang," sagot ko at nakita ko na bahagyang naka-kunot ang noo niya. Nakita niya akong umiling mag-isa. Nginitian ko na lang siya.

"Don't you have review tonight?" tanong niya habang nagda-drive.

"Masakit ulo ko," sagot ko. Hindi naman ako nagsisinungaling dahil talaga namang masakit ang ulo ko dahil sa mga sinabi sa akin ni Darius kanina.

"Are you sick? Do you want to go to the hospital?" nag-aalalang tanong niya.

"Iinom na lang ako ng gamot."

"Do you have medicine or do we have to stop by a pharmacy?"

"Pharmacy," sagot ko.

Mayamaya pa ay huminto kami sa pharmacy. Si Nikolai ang bumaba. Pagbalik niya ay may dala siyang paper bag. Pagbukas ko nun ay nakita ko kung gaano karami ang binili niya—may kasama pang Gatorade doon.

"Ano 'to?" tanong ko.

"She said you might be dehydrated," sagot niya na parang binili niya lang lahat ng pwede niyang bilhin para sa akin. "There are meds for headache there. Anyway, do you know where we can buy lugaw or sopas?"

Medyo kumunot ang noo ko. "Ano?"

Saglit na tumingin siya sa akin. "Well, when I was younger and when I got sick, I remember yaya cooking lugaw and sopas for me."

Napa-ngiti ako.

Nung bata pa ako, kapag may sakit ako e sariling-sikap lang din ako sa paggaling ko. Siguro kaya kahit ngayon na malaki na ako e hindi ako nagkaka-sakit dahil nasubok na iyong resistensya ko nung bata pa ako.

Pero ganito pala iyong pakiramdam na mayroong nag-aalala sa 'yo.

"Bili na lang ako ng noodles sa tindahan. Okay na 'yun," sabi ko sa kanya dahil baka kung saan pa kami maka-rating sa paghahanap niya ng sopas at lugaw.

Wreck The Game (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon