Chapter 27

157K 7.1K 2.8K
                                    

Please follow @beeyotchupdated on twitter for real time tweet if any story got updated. Thank you.

#WTG27 Chapter 27

Huminga ako nang malalim. Unang araw ng BAR exam ni Nikolai bukas. Kung maayos lang kami... kung kagaya lang sana kami ng dati, malamang sa malamang ay dito siya sa condo matutulog tapos ako iyong gigising sa kanya. Ihahanda ko rin iyong mga gamit niya tapos sisiguraduhin ko na kumpleto lahat. Kasi nakita ko iyong effort nung tao sa pag-aaral. Sabi nga niya, hindi man siya kasing talino ng mga kaibigan niya, pero pinaghihirapan niya lahat.

Sana talaga pumasa siya.

Hindi ako madasalin na tao... pero nagsimba ako sa St. Judge para ipagdasal iyong pagpasa niya.

Mabuti na lang at sinabi sa akin ni Vito kung alin iyong hotel room ni Nikolai. Hindi naman kasi siya nagsabi sa akin tungkol doon. Sinabi niya lang na sa hotel siya magse-stay para sa BAR month, pero wala siyang sinabi na kahit ano pang detalye.

'Di naman na rin ako nagulat kasi 'di na rin naman kami masyadong nag-uusap nitong mga nakaraang linggo. Nagtetext siya. Nagrereply ako. Minsan hindi ako maka-tiis kaya tinatawagan ko rin siya. Sumasagot naman siya.

Pero... ang lungkot pa rin.

Nasa same floor lang si Nikolai at Vito kaya naman nakarating ako sa floor nila. Mahigpit kasi sa hotel kaya 'di ka makaka-pasok hanggang hindi itinatawag sa mismong kwarto na aakyat ka sa floor.

Dala-dala ko iyong isang paperbag ng Jollibee. Sabi kasi nila kapag ganitong BAR month daw, ang tradisyon daw ay dinadalhan ng pagkain at kung anu-ano iyong mga nag-e-exam... Goodluck kumbaga. Sure naman ako na maraming pagkain kay Nikolai, pero 'di ko alam kung may magbibigay ba sa kanya ng Jollibee. Iyon kasi talaga iyong paborito niya.

Huminga ako nang malalim bago kumatok.

"Jersey," sabi niya pagka-bukas niya ng pinto. Halata iyong gulat sa mukha niya. Akala ba niya 'di ko siya pupuntahan?

"Hi," sagot ko habang naka-ngiti. "Matutulog ka na ba?" tanong ko. Alas-siete pa lang naman. Ang normal na tulog ni Nikolai ay mga ala-una ng madaling araw kaya lang ay exam niya bukas. 'Di ko alam kung maaga ba siyang matutulog kaya para sigurado ay inagahan ko iyong punta.

"No, it's still early."

"May dala akong pagkain," sabi ko sabay pakita nung hawak kong paper bag. "Para sa goodluck."

"You didn't have to," sagot niya habang tinatanggap iyong abot ko.

"Syempre dadalhan kita."

Ngumiti siya. "You wanna come in?"

"Nagrereview ka ba?"

"Kinda," sagot niya. Naglakad siya papasok kaya naman sumunod ako. Nandoon sa table iyong mga reviewer at libro ni Nikolai. 'Di nga ako nagkamali dahil maraming pagkain doon. May chocolates pa. Gusto ko sanang tanungin kung sino ang nagbigay kaya lang ay pakiramdam ko wala akong karapatan. Sobrang walang kwenta kong girlfriend.

"Pwede naman akong umalis—"

"No. Stay."

Agad akong napa-tingin sa kanya. Malungkot siyang ngumiti.

"I... wanted to ask you to come, but I didn't want to impose."

"Pupunta naman talaga ako."

"I didn't know that."

Parang... may masakit sa dibdib ko. Pilit akong ngumiti sa kanya habang humu-hugot ng malalim na hininga. Naka-tingin lang ako habang isa-isa niyang nilalabas iyong pagkain mula sa paperbag.

Wreck The Game (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon