Please follow @beeyotchupdated on twitter for real time tweet if any story got updated. Thank you.
#WTG10 Chapter 10
"Seryoso ba?" tanong ko nang abutan ako ni Nikolai ng papel. Nang tignan ko iyon ay may mga naka-lagay na requirements para sa pag-e-enroll sa school niya. Medyo lumaki nang onti iyong mga mata ko nang makita ko kung magkano iyong tuition. Jusko! Babayaran mo nang ganyan kalaki iyong school para lang pahirapan ka?!
"Yeah."
Tumingin ako sa kanya. Mukhang seryoso nga siya. Wala ata siyang pasok ngayon dahil naka-light brown na shorts lang siya at saka puting t-shirt. Naka-suot din siya nung itim na Nike sliders. May suot din siyang hikaw sa kaliwang tenga niya. Grabe... bakit 'di niya 'yan suot palagi?! Medyo na-shock iyong obaryo ko nung bumaba siya sa Jeep niya kanina.
"Sem's already ongoing so, you'll just have to wait for next sem," paliwanag niya. "But there are certain subject requirements, so you should check."
Naka-tingin lang ako sa kanya.
As in... seryoso?!
"What's with the silence?" tanong niya sa akin.
"Seryoso nga? Ieenroll mo ako?"
"Yeah."
"Bakit? Bored ka lang?"
"Why? Scared?"
Umirap ako sa kanya. "Wag kang iiyak-iyak kapag mas mataas iyong mga grades na nakuha ko sa 'yo," sabi ko sa kanya. Feel ko naman maayos akong estudyante—tamad lang talaga ako... o baka kasi 'di ko naman trip iyong pina-kuha sa akin dati.
"Sure," natawang sabi niya.
Binasa ko ulit iyong binigay niyang papel. Agad na kumunot ang noo ko nang makita kong kailangan doon nung mga record ko sa dati kong school. Tsk.
"Di ba pwedeng magpagawa na lang ako sa Recto ng diploma?" tanong ko dahil sa totoo lang, kung pwede lang na 'di na ako bumalik hanggang sa mamatay ako doon sa probinsya namin, 'di na talaga ako babalik, noh.
"...why?" tanong niya. "If you didn't finish college, maybe we should start with that and not law school," sabi niya na para bang siya na ang bago kong sugar daddy dahil balak pa ata ako nitong paaralin ng college. Iba rin talaga!
Umirap ako ulit. "Gago, college graduate naman ako kahit ganito ako. Ibig kong sabihin, ayoko kasing umuwi sa amin para lang kumuha ng papel."
Naka-tayo ako roon sa likuran nung bar. Naupo na si Nikolai doon sa may stool. Inabot niya iyong baso at saka nagsalin ng sarili niyang alak.
"Why not?" tanong niya.
"Wala lang. Ayoko na sa kanila."
"You won't have to stay—you'll just get your documents."
"Malayo."
"Where is it? Let's do a road trip."
Agad akong umiling. Iniisip ko pa lang na pupunta ako roon tapos kasama ko si Nikolai, sure akong ang iisipin ng mga chismosa kong ka-barangay ay 'may isa na namang Pilipina ang umangat sa laylayan.'
"Malayo."
"Is it here in Luzon?"
"Yup."
"Why won't you tell me? Are we playing charades?" tanong niya habang sumisimsim ng alak. "But seriously, I don't have class today and tomorrow. We can go now."
"Di ba marami kang inaaral?"
"I need a break," sagot niya. "We can just go there and get whatever you need and then head back here."
BINABASA MO ANG
Wreck The Game (COMPLETED)
Ficção Geral(Game Series # 7) Jersey thought that her life's already as good as it's gonna get... Wala naman siyang karapatang magreklamo-pasalamat pa nga raw siya 'di siya pina-abort ng nanay niya nung nabuntis siya ng tatay niya. Pero araw-araw din naman sa k...