Chapter 18

203K 8.4K 2.8K
                                    

Please follow @beeyotchupdated on twitter for real time tweet if any story got updated. Thank you.

#WTG18 Chapter 18

"Are you okay?" tanong ni Bentley sa akin. Hindi ako maka-galaw. Naka-tingin lang ako kay Zach na masama ang tingin sa akin. Tangina nito?! Bakit ba trip na trip ako nito?! Nananahimik ako rito tapos bigla—

"What?" tanong nung kasama ni Zach sa kanya. Hindi na siguro nila ako tanda. Ang tagal na rin nun. 'Di ko alam kung ano'ng problema nitong hayop na 'to at ayaw akong tantanan. Hari ba siya ng Pilipinas?! Kailangan laging mapapagbigyan? Kapag inayawan, ganito na hindi ka tatantanan?!

"She's the stripper—"

Kitang-kita ko iyong panlalaki ng mga mata ni Bentley sa tabi ko. Iyong pagpunta ng atensyon ng mga tao sa party sa akin.

Puta.

Sana hindi na lang ako pumunta rito.

Sana dumiretso na lang ako sa condo at natulog.

"Dude, she's the one with Niko—"

"Hey," biglang sabi ni Bentley sa tabi ko. "I'm sure you're mistaken," dugtong niya kina Zach.

Huminga ako nang malalim.

Hindi ko kinakahiya iyong dati kong trabaho dahil ginawa ko lang naman 'yun para mabuhay. Ang problema ko ay bakit pakiramdam ni Zach na may karapatan siya sa buhay ko? Na pwede niyang ipagkalat iyon? Tangina, sino ba siya sa tingin niya?! Kitang iba na ginagawa ko, e!

"So, ikaw 'yung bago niya? Dude, friendly advice—"

"Don't call me dude," agad na sabi ni Bentley. "We're not fucking friends."

May mga lalaki ng nagpunta sa amin. Parang nagkaka-initan na iyong mga member ng frat. Mabilis akong lumayo dahil ayokong sumali sa gulo nila. Pumunta ako rito kasi gusto ko ng kaibigan. Gusto kong magkaroon ng kaibigan. Pero hindi yata talaga para sa akin. Kasi kahit saan ako pumunta, para akong sinu-sundan ng mga ginawa ko sa nakaraan.

Hindi naman sila kagaya ni Nikolai.

Hindi nila ako matitignan na parang... ako pa rin 'to.

Sigurado ako na kapag tumingin sila sa akin ngayon, ito na lang ang matatatak sa usapan nila—na stripper ako. O baka sa susunod, kapag kumalat ang balita, na pokpok na rin ako.

Iyon na lang ang makikita nila kapag tumingin sila sa akin.

Sana hindi na lang ako pumunta.

* * *

Umuwi na lang ako.

Natulog.

Pesteng buhay 'to.

Pilit akong tumayo nung may magulo sa labas na katuk nang katok. Sobrang sakit ng ulo ko dahil buong araw ako natulog. Naka-suot lang ako ng maluwag na t-shirt. Ni hindi na ako nakapagtanggal ng makeup kagabi sa sobrang pikon ko kay Zach. Gusto ko na lang matulog at isipin na hindi na nangyari 'yon.

Punyeta talaga siya.

Mabaog sana siya.

'Wag niya na dagdagan iyong lahi niya.

"Ano?" naka-simungot na sagot ko nang pagbuksan ko ng pinto si Nikolai. Alam ko naman na siya iyong nandito dahil wala naman akong inaasahan na bisita.

"Are you okay?" tanong niya.

Napa-irap ako.

Ang bilis talagang kumalat ng chismis.

Wreck The Game (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon