Chapter Fifty-One

23 0 0
                                        

Chapter Fifty-One: Hindi Na Ikaw

"Akala ko ba bar ang pupuntahan? Bakit parang camping site ang pinupuntahan natin?" taas-kilay kong tanong kay Henry habang abala siya sa pag-aayos ng gamit. Nakaupo ako sa gilid ng kama niya, pinagmamasdan siyang parang may sariling mundo. Nasa bahay nila kami ngayon, and since wala rin naman akong ganap, sinundan ko siya rito after kong dumaan sa apartment para kunin 'yong mga gamit ko.

Weird, I know — being inside Henry's room. Pero sanay na ako. Simula pa noong naghiwalay kami ni Chance, dito na madalas umikot ang mundo ko, kasama si Henry, na somehow naging comfort zone ko. To the point na pinagseselosan na ako ni Donna. Pero, of course, gusto naman ni Henry 'yon.

Ang labo. Kasi sabi niya, "At least 'pag nagseselos siya, nakikipag-usap siya sa akin. Hindi ako nagmumukhang parang ewan kapag ganon."

Hayop talaga.

"Hoy," sabi ko. "Baka gusto mo ring magtayo ng tent sa sala habang nag-e-explain ka kung bakit may bitbit kang cooler at sleeping bag?"

Ngumisi lang siya. "'Di mo gets, Rain. Change of plans."

Pinanliitan ko siya ng mata. "Anong change of plans?"

Nagkibit-balikat siya, parang wala lang. "We're going out."

"Out... saan?"

"Somewhere," sagot niya, sabay ngisi. "Wala ka namang plans, 'di ba? You're done with your defense. Kami nina Nimbus at Jill, tapos na rin. Basically, naghihintay na lang tayo sa grad."

"Okay, pero..." Napahinto ako. Should I even say his name? "Henry... sasama ba talaga si—"

"Si Chance?" putol niya, walang kaabog-abog. "Oo. Nag-agree ka naman kanina, 'di ba?"

Napatigil ako. Putangina.

"Relax," dagdag pa niya, ngumisi pa talaga. "Naka-move on naman na kayo pareho. Right? O ikaw 'yong hindi pa?"

Napairap ako, pero ramdam kong kumirot 'yong dibdib ko. Gusto ko siyang sapakin. Birthday ko 'to, tapos ako pa 'yong walang choice? Sino bang may brilliant idea na isama ang ex ko sa birthday getaway ko? Syempre... ako. Ugh! Bakit ba kasi ako um-oo kanina?

"Wait lang." Napalunok ako, pilit kalmado. "Sasama ba 'yong Clara na 'yon?"

Ngumisi si Henry, at doon ko na alam na may kalokohan 'tong gago. "But of course," sabi niya, halos sing-saya ng taong nagbabalak ng krimen. "The more, the merrier!"

"Henry, ang gago mo!" singhal ko, sabay tapon ng unan sa kanya.

Tawang-tawa siyang tumakbo palabas ng kwarto, habang ako naman ay halos maubusan ng hangin sa inis. Sinundan ko siya, pababa ng hagdan. "Alam mo namang ako may birthday, tapos ako pa 'tong walang say?! Tangina, Henry, ang kapal talaga ng—"

Bigla akong natigilan.

May tao sa tapat ng main door.

Si Chance.

Nanlamig 'yong mga kamay ko. Parang biglang lumiit 'yong buong sala. Hindi ko alam kung tatakbo ako pabalik sa kwarto o magpapanggap na okay lang ako. Pero isang bagay 'yong sigurado, hindi ko kayang gumalaw.

Nakatayo lang siya ro'n. Nakasuot ng jacket, ang kamay ay nasa bulsa ng jacket niya, messy hair, at 'yong pamilyar niyang ngiti na ngayon ay parang... hindi na pamilyar. The same face, pero ibang mga mata. Wala na 'yong dati kong hinahanap, 'yong lambing, 'yong init. Just calm, distant politeness.

"Uh... I didn't know you're here so..." tiningnan niya ako. "Anyway, happy birthday ulit, Rain," sabi niya.

Ang simple ng boses niya, pero parang may kumurot sa puso ko.

Dying EmbersWhere stories live. Discover now