Chapter Sixty-Eight: Sana
"Rain, it's dark in here," tawag niya mula sa likod, boses niyang humahalo sa lagaslas ng mga dahon at tunog ng hangin.
"Sino ba kasi nagsabi na sumama ka?" sagot ko agad, medyo matalim ang tono kahit hindi ko naman sinasadya. Hindi ko alam kung inis ba talaga 'yon, o pagtatago lang ng kung anong ayaw kong maramdaman. I can't let my guard down again. Not to him.
I kept walking, phone clutched tightly in my hand, eyes scanning for that tiny, stubborn signal bar. The ground beneath my sneakers was uneven, may mga batong nadudurog sa bawat hakbang ko. The trees on both sides seemed to close in, their shadows stretching like long fingers reaching out to pull me in.
"I just need to find a spot," bulong ko, more to myself than to him. Ang totoo, hindi ko na nga alam kung saan ako tumutungo. My mind was elsewhere — fixed on one thing: I need to update my boyfriend.
"Rain," his voice came closer, that low timbre brushing against my walls, "do you really need to go this far para lang sa lalaking 'yon? Maiintindihan naman niya siguro. Tsk."
Huminto ako saglit. Ramdam ko ang presensiya niya, ilang hakbang lang sa likod. Hindi ko siya nilingon.
"He's my boyfriend," sabi ko, bawat salita ay maingat kong binigkas, matalim, parang kutsilyong pumuputol sa katahimikan sa pagitan namin.
Narinig ko siyang bumuntong-hininga. 'Yong klase ng buntong-hininga na parang may mga salitang hindi niya kayang sabihin.
Mabagal ang bawat yabag niya habang lumalapit. Hanggang sa maramdaman ko siya sa gilid ko, hindi malapit enough to touch, pero sapat para maramdaman ko 'yong init ng katawan niya kahit malamig ang simoy ng hangin.
"You know," he started, voice softer this time, "you're really stubborn. Kahit saang parte dito, walang signal."
I kept my gaze on the dim clearing ahead. "I still need to try. Nire-respeto ko lang boyfriend ko. He deserves to know kung nasaan ako. Baka hinihintay na ako no'n."
"Respect... or guilt?" tanong niya, and I could almost hear the smirk in his tone.
Napalingon ako. The moonlight barely touched half of his face, the other half swallowed by shadow. Yet his eyes... they looked straight at me, sharp and searching, as if trying to read what I'm not saying.
"I'm not doing this with you," I muttered, turning away, forcing my steps forward.
Pero bago ako tuluyang makalayo, his hand lifted, hindi para hawakan ako, pero sapat para pigilan ang hakbang ko. "Rain, look around. You're in the middle of the woods. You've gone far enough."
Napatingin ako sa paligid. The trees were denser here, the air cooler, heavier with the scent of damp soil and moss. Sa malayo, naririnig ko ang mahinang agos ng ilog, pero wala pa ring signal ang phone ko.
Frustration twisted in my chest, parang may buhol na ayaw kumalas. "Great. Now I'm lost and disconnected."
"But I'm here," he said quietly, halos bulong, pero may bigat. Eyes locked on mine, as if the darkness didn't exist between us.
Bumilis ang tibok ng puso ko. Hindi ko alam kung dahil sa lamig ng hangin, sa dilim na kumakapit sa paligid, o sa tono ng boses niya, low, steady, and a little too sincere for comfort. Kaya agad akong tumalikod, tinapik siya sa braso para makadaan.
"Balik na tayo," sabi ko, pilit pinapalamig ang boses ko.
Pero paglakad ko pabalik, napahinto ako. Hindi ko na alam kung alin sa mga madidilim na daan ang dinaanan namin kanina. Ang tanging naririnig ko lang ay ang mahinang ugong ng ilog at ang yabag ni Chance sa tuyong damo.
YOU ARE READING
Dying Embers
Roman pour AdolescentsOnce, their love burned like wildfire-passionate, unstoppable, consuming. Pero tulad ng lahat ng apoy, unti-unti itong humina... hanggang sa naiwan na lang ang abo at mga nagbabagang alaala. Years later, fate throws them back into each other's world...
