Chapter Forty-Two: Coming Home
Years Later
Sa loob ng limang taon simula no'ng umalis si Chance, ang dami nang nagbago, pero ang dami ring nanatili. Hindi na ako 'yong dating Rain Snow Arce na clueless sa kung paano hawakan ang mundo. I've learned to stand on my own, to make choices without trembling. I am no longer the naive Rain Arce people used to know.
Ngayon, malapit ko nang matapos ang training ko bilang nurse. Ilang linggo na lang, at officially tapos na rin ang clinical internship ko dito sa Manila. Pagkatapos nito, babalik na ako sa probinsya, kung saan marahil magsisimula ulit ang isang panibagong yugto ng buhay ko.
Pero kahit gaano kalayo na ang narating ko, may mga bagay talagang hindi maiiwan. Lalo na tuwing gabi, kapag tahimik na ang buong ward at ako na lang ang gising. Minsan, sa gitna ng lamig ng hospital corridors, maririnig ko pa rin ang pangalan niyang matagal ko nang sinusubukang kalimutan.
Chance Castiel.
Isang salitang hindi ko na dapat maramdaman, pero patuloy pa ring tumitibok sa pagitan ng bawat paghinga ko.
By the way, I'm still studying at CSU, Nursing, exactly like my Dad want me to. Si Jilliana, nag-major sa Mathematics. Henry took Architecture, at si Nimbus, Physical Education. We used to hang out all the time, but ever since I moved to Manila, everything's changed. Rare na ang tawagan, madalang na ang kwentuhan. Maybe that's what happens when life starts getting real, lahat busy, lahat may hinahabol.
Nasa nurse station ako noon, nagche-check ng charts habang hinihintay matapos ang rounds, nang biglang mag-vibrate ang phone ko. Jilliana.
Agad ko itong sinagot.
"Rain! Kumusta na ang future nurse namin?" bungad niya, puno ng sigla, parang hindi tumanda ng limang taon.
"Pagod," sagot ko, sabay buntong-hininga. "Last clinical rounds ko na rito. Uuwi na rin ako soon."
"Nice! Perfect timing!" sabi niya, na may halong excitement. "Birthday ni Hari next week. Baka nakalimutan mo na naman. Nag-aaya siya, and this time, hindi ka pwedeng mawala. Alam mo naman 'yong isa, parang babae kung magtampo."
Napangiti ako. Henry. Walang nagbago. Still the same loud, kulit guy who never fails to make everyone laugh. Pero to be fair, simula nang umalis si Chance, naging mas close siya sa'min. Parang barkada na talaga, protective, minsan asar, pero laging nandyan.
"Hmm, tingnan ko muna," sagot ko habang inaayos ang mga chart. "May mga aasikasuhin pa kasi ako—"
"Hoy! Huwag mo kaming i-ghost, ha? Sabi ni Hari, one last chance na lang daw. Pag 'di ka pa rin dumating, titigil na siyang mangulit. Kaya please? It's been so long since we were all complete."
Chance. Hindi naman pangalan niya ang binanggit, pero hindi ko alam kung bakit parang biglang sumikip ang dibdib ko sa simpleng pagbanggit niya.
"Rain? Nandyan ka pa ba?" tanong ni Jilliana, medyo nag-aalala.
"Uh, oo." Pilit kong binawi ang boses ko. "Sige, Jill. Sabihin mo kay Henry, pupunta ako."
"Yay! Okay, see you soon!"
Pagkatapos ng tawag, ilang segundo akong napatitig sa kawalan. Ang tahimik ng paligid, tanging tik-tak lang ng wall clock ang naririnig ko. At sa bawat segundo, ramdam kong bumabalik ang lahat, 'yong bigat, 'yong saya, at 'yong mga tanong na hindi kailanman nasagot.
Limang taon na ang lumipas. At sa isang salita lang, parang nagbalik lahat.
Pero iba na ako ngayon. Iba na ang Rain na haharap sa kanila. At kahit hindi ko alam kung ano ang naghihintay sa pagbabalik ko, isa lang ang sigurado, handang-handa na akong harapin ulit ang nakaraan.
YOU ARE READING
Dying Embers
Teen FictionOnce, their love burned like wildfire-passionate, unstoppable, consuming. Pero tulad ng lahat ng apoy, unti-unti itong humina... hanggang sa naiwan na lang ang abo at mga nagbabagang alaala. Years later, fate throws them back into each other's world...
