Chapter Fifty-Four: Begin Again
Kinabukasan, nagising akong parang binugbog ang mukha ko. Mabigat ang mga mata, makati ang talukap, at ang hapdi sa paligid ng mata, tila paalala ng iyak na hindi tumigil kagabi. Ilang beses kong pinikit at iminulat, pero wala rin. Still hurts. Still heavy.
Tumunog ang cellphone ko.
Napakunot ako ng noo. I swear, I didn't even set an alarm. Wala rin akong lakas para bumangon, pero inabot ko pa rin, halos nakapikit pa habang tinitingnan kung sino ang tumatawag.
Jilliana.
At eight in the morning. Seriously?
Sinagot ko, boses pa lang, halatang bagong gising. "What?" I croaked.
"Hi, bestie!" masigla niyang bati. "You wanna come here sa CSU? Manood training."
Napapikit ako ulit. "Training?"
"Yup! R1AA training. Nandito sila Henry. They're acting coach for today."
R1AA.
I've heard that a couple of times from Henry and the others, pero never ko naman talaga pinansin. Then it hit me. Sila pala 'yong naka-assign mag-handle ng mga high school baseball teams this year.
I froze for a bit.
"...Wait. Nandiyan si C–Chance?"
"Uhm..." may maliit na pause, parang may gustong iwasan. "Yeah. Nandito siya. Pero don't worry, busy sila. Hindi ka naman niya mapapansin, promise."
Tahimik lang ako. Jilliana, as always, too honest for her own good.
"Punta ka na," dagdag niya, parang batang nagmamakaawa. "Wala akong makausap dito, oh. Please?"
"Okay, fine," sabi ko kahit ang totoo, wala pa akong energy for social interaction.
"Yay! See you!"
"Magre-ready lang ako," sagot ko habang pinipilit bumangon.
"Ingat! Wear something cute!"
"Ha?"
Pero binaba na niya bago pa ako makareact.
Pagkababa ng tawag, naiwan ako sa tahimik kong kwarto, ilaw lang ng umaga ang pumapasok sa kurtina.
Now what?
Ayoko sanang pumunta. Ayokong makita nila ako na mukhang ewan. Lalo na siya. Pero napailing din ako agad. Never mind. Knowing Chance, he probably doesn't even care anymore.
I got up, dragging my feet to the mirror. My reflection greeted me with swollen eyes and messy hair. Lovely. Pero sige, laban. Nag-ayos ako, wala naman akong hinahabol na oras, kaya dahan-dahan lang.
Pero habang nag-aayos, napapahinto ako paminsan-minsan. Minsan sa gitna ng pag-aapply ng concealer, minsan habang inaayos ang buhok. Para bang may gusto akong isipin, pero pinipigilan ko rin.
Then, just as I was fixing my tote bag, tumunog ulit ang phone.
Tumatawag na naman si Jilliana.
"Eto na, papunta na," inunahan ko agad bago pa siya makapagreklamo.
"Tagal mo kasi!" gigil niyang sabi. "Things are getting exciting here..."
Napahinto ako, curious. "Exciting? Bakit?"
"Oh my God, first time kong makitang magalit si Henry."
Napatawa ako. "Talaga? Sige na, bilisan ko na. Gusto ko ring makita."
YOU ARE READING
Dying Embers
Teen FictionOnce, their love burned like wildfire-passionate, unstoppable, consuming. Pero tulad ng lahat ng apoy, unti-unti itong humina... hanggang sa naiwan na lang ang abo at mga nagbabagang alaala. Years later, fate throws them back into each other's world...
