Chapter Sixty-Three

10 0 0
                                        

Chapter Sixty-Three: Paid in Full

Alam kong nararamdaman ni Jilliana ang bigat ng atmosphere kahit hindi niya sabihin. Tahimik lang kami sa loob ng sasakyan ni Psalm, pero hindi iyon yung comfortable na tahimik. Iba. Para siyang kumakapit sa dibdib, dahan-dahang humihigpit. Ang tanging tunog ay ang mahinang pag-ikot ng aircon at ang wiper na saka-sakang nagtatanggal ng alikabok sa windshield.

Psalm's hands were steady sa manibela, pero ramdam ko ang tensyon sa pagkakahawak niya. Hindi niya kailangan magsalita, nakikita ko na sa postura niya, sa paraan niyang huminga, sa matigas na panga.

Pagdating namin sa tapat ng bahay nila Jilliana, mabilis siyang nagsalita.

"Thanks for the ride, Psalm. Rain, una na ako. Thank you for today." Pilit ang ngiti niya, parang ayaw niyang makadagdag pa sa bigat.

Psalm didn't say goodbye. Isang maikling tango lang.

"Bye, Jill. Ingat. See you," sabi ko, at pinagmasdan ko pa siyang pumasok sa gate bago kami umandar ulit.

Akala ko pag-andar ng sasakyan, siya na ang unang magsasalita. Pero wala. Wala ni isang lingon. Wala ding sigh, wala ding attempt na i-lighten 'yong mood.

Kinagat ko ang labi ko. 'Yong daliri ko, naglalaro sa laylayan ng damit ko as if that would magically form the right words. Paano ko sisimulan? Paano ko ipapaliwanag nang hindi parang may tinatago ako?

And then, out of nowhere—

"Are you not gonna let yourself explain?" tanong niya. Walang kulay ang boses. Hindi galit. Hindi rin malambing.

Parang may sumubsob sa dibdib ko.

Tumingin ako sa kanya, saglit lang, tapos umiwas. Hindi ako sanay sa ganito. He's always warm. He's always the one who reaches out first. Pero ngayon... parang may pader sa pagitan namin.

'Nagseselos ka ba?' gusto kong itanong, pero kinain ko na lang 'yong tanong.

Tumingin siya saglit sa akin, para bang sinusukat kung may sasabihin ako. Nang wala siyang marinig—

"Guess you're not."

"Psalm..."

"What?"

Napapikit ako sa tono niya. Parang bawat salita ay may bigat na ayaw kong dalhin.

"It's not what you think," mahina kong sabi.

"Gets ko, Rain. Gets na gets ko." Hindi siya tumingin. Nakadiretso lang ang tingin sa kalsada, parang doon nakaangkla ang sarili niya. "And I understand na you were friends with his friends before I came. I get that it's not easy to just shut that off. Pero ang hindi ko gets, bakit hindi mo sinabi agad? Akala ko ba kayo lang ni Jilliana today."

"I was about to tell you—"

"Kailan? Pag-uwi mo? 'Pag tapos na ang lahat?"

"Can you... can you listen to me first?" halos pakiusap na ang boses ko.

Huminga siya nang malalim, parang pinipigilan ang sarili. "Fine. Go ahead."

"Hindi namin in-expect na nando'n din sila, okay? Sila yung nakakita sa amin nung paalis na kami. Nagkayayaan lang mag-lunch, then umalis din agad. Wala talagang nangyari. I was going to tell you, I just... didn't know how to start."

Sa gilid ng mata ko, nakita ko siyang dahan-dahang naglabas ng hangin. Pero hindi pa rin siya tumingin. And his hands were still gripping the wheel too tightly.

Tahimik lang siya matapos kong magsalita. Ang tanging ingay ay ang mahinang hum ng makina at ang rhythmic na pag-click ng turn signal habang lumiko kami.

Dying EmbersWhere stories live. Discover now