Chapter Forty-Five: Stranger
ᯓ★ play this while reading: scott street — phoebe bridgers 𝄞 ⋆ˎˊ-
Nagising ako nang maaga, mas maaga kaysa sa dapat. Paglingon ko, mahimbing pa ring natutulog si Jilliana, nakapikit nang mariin, bahagyang nakakunot ang noo, parang bata. Napangiti ako. She looks so peaceful when she's asleep. Tahimik. Pero kapag gising na, good luck na lang sa katahimikan.
Bumangon ako mula sa pagkakahiga at hinanap ang phone ko. 4:00 AM. What the heck? Ang aga pa pala. Sinubukan kong ipikit ulit ang mga mata ko, pilit ibalik ang tulog na tinangay ng hangin, pero wala. Wide awake na 'yong utak ko, kahit 'yong puso ko parang ayaw pa ring tumigil sa pag-replay sa nangyari kagabi.
Kaya bumangon na lang ako. Dahan-dahan kong sinuot ang jacket ko, siniguro kong hindi magigising si Jilliana, at lumabas ng tent.
Paglabas ko, sinalubong ako ng malamig na simoy ng hangin. The bonfire from last night was already out, ashes scattered, a faint trail of smoke still trying to exist. Medyo madilim pa rin, pero sa malayo, may bahagyang liwanag na nagmumula sa dapithapon ng umaga.
Naglakad ako papunta sa dalampasigan. Ramdam ko ang lamig ng buhangin sa ilalim ng mga paa ko, parang may humihila sa'kin pabalik sa realidad. Tahimik ang paligid, tanging alon lang ang maririnig.
Huminga ako nang malalim at tumingala sa langit. The stars were still there — bright, unapologetically shining, as if they were racing to say goodbye before the sun could take over. For a moment, everything felt still.
Umupo ako sa isang malaking bato malapit sa tubig, niyakap ang sarili kong mga braso para labanan ang lamig. Tahimik lang ako. Hindi ko alam kung nilalamig ba talaga ako, o may ibang lamig na gumagapang sa dibdib ko.
Paulit-ulit na bumabalik sa isip ko ang sinabi ni Chance kagabi.
I'm courting someone.
Ang simpleng linyang 'yon, pero parang may bigat ng buong gabi. Bakit gano'n? Sa dami ng beses kong sinubukang huwag isipin, mas lalo lang siyang sumisiksik. Bakit ang hirap tanggapin? At bakit nga ba ako apektado pa rin?
Napabuntong-hininga ako. Kinuha ko ang phone ko, sinubukang i-distract ang sarili, pero kahit anong scroll, kahit ilang notifications, hindi pa rin natatabunan 'yong alon ng iniisip ko.
"Arce?"
A familiar voice called from behind. I turned, and there he was. Psalm. Wearing a jacket too, probably just came out of his tent. His hair was messy, like he just got up, eyes still heavy with sleep.
"Psalm? Ang aga mo yata nagising," tanong ko, trying to sound normal kahit may kung anong bigat sa dibdib ko.
"Couldn't sleep," he said, slowly walking closer. Tumigil siya sa tabi ko, pareho kaming nakatingin sa dagat. "Ikaw?"
"Same," sagot ko, my voice barely above the wind. "Masyado yatang malamig ang gabi."
He chuckled softly, that kind of laugh that doesn't demand attention. Then he sat beside me, close enough that I could hear the faint rustle of his jacket. "Oh baka naman masyado kang maraming iniisip?"
I let out a laugh. "Baka nga."
A moment passed. The silence between us wasn't awkward, just heavy, like the air knew something we didn't. Only the sound of the waves and Psalm's breathing filled the space. Then, softly, he spoke.
"Arce," he said, slow and careful, as if each word weighed something. "May gusto sana akong sabihin sa'yo."
I turned to him, brows slightly furrowed. "Ano 'yon?"
YOU ARE READING
Dying Embers
Fiksi RemajaOnce, their love burned like wildfire-passionate, unstoppable, consuming. Pero tulad ng lahat ng apoy, unti-unti itong humina... hanggang sa naiwan na lang ang abo at mga nagbabagang alaala. Years later, fate throws them back into each other's world...
