Chapter Sixty-Six: Sa Agos ng Dalawang Mundo
Hindi ko alam kung paano ako nakarating kina Mommy. Hindi ko alam kung paano ko sila nahanap noong gabing 'yon. Parang naglakad lang ako nang walang direksyon, para bang may sariling isip ang mga paa ko habang ang utak ko'y balot ng kalituhan. My body was moving on its own, but my mind... it was somewhere else, floating between regret and disbelief.
Nang makita ko na lang sila, nakangiti sila, pero sa puso ko, ramdam kong malalim ang unos na hindi ko kayang itago.
Nag-picture kami sandali. Nakangiti ako sa camera, pero ramdam kong wala sa lugar 'yong ngiti ko. Gusto kong bawiin lahat ng nangyari no'ng gabing 'yon, lalo na 'yong pag-uusap namin ni Chance.
After that, hindi ko na nakita si Psalm. Ang dami niyang texts at missed calls no'ng gabing 'yon, pero wala akong lakas para sagutin. Sinabi ko lang sa kanya na nakauwi na ako, at nagmamadali rin sina Mom at Dad.
Thank God, naniwala naman siya. Hindi ko sinabi kay Psalm ang totoo. Hindi ko sinabing nagkita kami ni Chance. Natakot akong masira 'yong tiwala niya, at mas lalo siyang masaktan. Gusto kong maging honest, gusto kong sabihin lahat, pero pinili kong maghintay. Kapag nagkita kami ulit, doon ko na lang ikukwento. Sana maintindihan niya.
Ilang araw na rin ang lumipas. Nakahiga lang ako sa kama, nakatitig sa kisame na parang walang katapusan. Ang liwanag mula sa bintana'y maputla, unti-unting nilalamon ng papalapit na dilim. Tahimik ang buong bahay, maliban sa mahinang tik-tak ng orasan sa dingding.
Hindi na muna ako bumalik sa apartment sa city. Umuwi agad ako rito pagkatapos ng graduation, at pagkatapos ng gabing 'yon na puno ng sakit at kalituhan.
Henry, Jilliana, and even Nimbus have been texting me nonstop, but I haven't answered any of them. Inaaya nila akong manood ng R1AA, pero wala akong lakas para kausapin sila sa ngayon. I didn't even see them during graduation. I know I owe them something, an explanation, maybe an apology, but I can't even find the right words to start.
We still have an outing planned soon. And I know... there's no way out. Kahit nando'n si Chance, kailangan kong harapin 'to. Hindi ko alam kung paano ako makaka-survive, pero alam kong hindi ko na rin kayang tumakbo palayo.
Every step toward that outing feels like walking straight into the eye of a storm I've been avoiding for too long.
I was lying in bed, staring blankly at the ceiling, when I heard a soft knock on my door.
"Rain, sweetie? Are you there? Hindi ka pa lumalabas ng room mo. Maggagabi na naman, anak."
Hindi ako sumagot. Parang napako ang dila ko sa loob ng bibig. I didn't know how to face Mom in this state, drained, numb, and lost in thoughts I couldn't even name. Simula nang umuwi ako, bihira na akong magsalita. I only respond when they ask. And maybe... that's for the best. Kasi ni ako, hindi ko alam kung saan magsisimula.
Pero ngayong araw, pakiramdam ko, wala na akong matatakasan.
The door creaked open slowly.
"Rain..." Malambing ang boses ni Mom, may halong pag-aalala, pero puno ng lambing na tila kumakatok din sa puso ko.
Narinig ko ang banayad na pag-upo niya sa gilid ng kama, at bahagyang lumubog ang kutson sa bigat niya. Ramdam ko ang init ng kamay niyang dumampi sa akin. That warmth... felt like home. Napatingin ako sa kanya, at kahit wala pa siyang sinasabi, parang gusto ko nang maiyak.
Bumangon ako at bahagyang sumandal sa headboard. Kita ko sa mga mata niya ang pag-aalala, 'yong tipong gusto niyang intindihin ako pero ayaw niya akong pilitin.
YOU ARE READING
Dying Embers
Novela JuvenilOnce, their love burned like wildfire-passionate, unstoppable, consuming. Pero tulad ng lahat ng apoy, unti-unti itong humina... hanggang sa naiwan na lang ang abo at mga nagbabagang alaala. Years later, fate throws them back into each other's world...
