Chapter Sixty

14 1 1
                                        

Chapter Sixty: Painted

Nag-stay ako sa gym hanggang matapos ang training. Noong una, medyo naiilang pa ako, hindi ko alam kung saan ako titingin or paano ako uupo, but after a while, I found myself just watching. The atmosphere was serious in a way that felt earned: tunog ng sapatos na umi-slide sa waxed floor, tunog ng bola, tunog ng hinga na napapagod. Pawis. Sigawan.

Tinuturuan nila Psalm 'yong mga high school players, parang sila na mismo 'yong mga coach. Hindi lang basta guide ang ginagawa nila; halata kung paanong binibigay nila 'yong mga natutunan nila dati, 'yong mga disiplina na minsan lang makita sa ganitong edad. May halong respeto, may passion.

Parang sina Henry sa baseball team.

Nakakatuwa pero medyo nakakapanibago rin, dati silang mga player na hinahangaan ko, ngayon sila na 'yong tinitingala ng mga bata. Parang biglang tumanda 'yong mundo.

Natapos ang scrimmage, pero hindi pa sila agad umalis. Kinausap pa sila ng Coach, parang post-training evaluation or mini life lecture. Ako naman, tahimik na naghihintay sa bleachers.

I tried not to look at Psalm too much, pero hindi ko talaga napigilan. He looked different here, confident but calm, sweaty but still, well, unfairly attractive.

Then, finally, tapos na sila. Psalm walked toward me, shoulders relaxed, may konting pagod sa boses pero 'yong usual niyang smile nandun pa rin.

"Hey," bati niya, voice slightly rough from shouting instructions.

"Hi," sagot ko, tumayo ako habang inaayos ang strap ng bag ko.

Pero bago siya nakalapit—

"PSALMO!" sigaw ni Tunnel. Dylan followed, may hawak pang bottled water na parang trophy. "Uwi na kami. Baka may maganap na namang K-drama moment dito. Wala kaming pambiling soundtrack!"

"Shut your mouth," tawa ni Psalm. "Wag kang bitter, Tun."

"Bitter? Excuse me, may chiks na ako," sabay kindat ni Tunnel sa 'kin. "Bye, Rain!"

"Bye, Rain," dagdag ni Dylan, may ngising parang nang-aasar.

Napailing ako, pero napangiti rin. "Yeah, bye," sabi ko, sabay tawa ng mahina.

Pagkaalis nila, umiling si Psalm, halatang natatawa rin.

"Pasensya ka na sa dalawang 'yon. Lalo na si Tunnel, kulang 'yon sa yakap. Or baka sobra, hindi ko rin sure."

Napatawa ako. "Okay lang. Sanay na ako sa kanya, remember?"

"Right," he said, chuckling softly. Tapos lumingon sa'kin ulit, 'yong tingin niya ngayon, mas matagal, mas tahimik.

"Thanks for waiting," bulong niya sa huli.

Then he tilted his head, teasing. "Did I... behave too much?"

Napasinghap ako sa tawa. "I guess?"

He grinned wider. "You sound unsure."

"Well," sagot ko, kunwaring nag-iisip, "baka lang na-miss kong medyo mayabang ka."

"Tch," kunwari niyang reklamo, pero natawa rin siya.

Then he shoved his hands in his pockets and said, as casually as if he were just asking about the weather, "So... where do you wanna go?"

I blinked. "Huh?"

"Date tayo."

Napasinghap ako. "W-what—"

"Date tayo," ulit niya, this time mas buo, mas sigurado. "As girlfriend and boyfriend."

And just like that, my heart skipped. Tapos bumagsak. Tapos lumipad ulit. Ang bilis, parang sabay-sabay lahat ng emosyon na pwedeng maramdaman. Hindi ako makatingin nang diretso, pero hindi ko rin mapigilan 'yong ngiti.

Dying EmbersWhere stories live. Discover now