Chapter Sixty-Four: All or Nothing
Nakaupo ako sa sofa nila, pero parang hindi pa rin ako bumabalik sa realidad. Para akong naiwan sa pagitan ng dalawang tibok ng puso, doon sa sandaling dumampi ang labi niya sa akin. Hindi mabilis, hindi rin mapusok. Mabagal lang, puno ng bigat, parang may mga salitang hindi niya kayang sabihin pero ipinasa niya sa pamamagitan ng halik.
At hindi ko alam kung alin ang mas nakakakaba. 'Yong mismong halik, o 'yong posibilidad na maulit pa.
First kiss ko 'yon. With him. With Psalm.
Nang bumaba siya mula sa itaas, nakajersey na siya, pulang may puting lining, at nakasabit sa balikat ang itim niyang gym bag. Amoy ko pa 'yong halimuyak ng fabric softener na halo sa pabango niya, 'yong scent na parang siya lang ang kayang magdala. Ang tahimik niya, parang walang nangyari. As in, wala. It was as if just earlier, he wasn't the same boy who asked for a kiss like it was something I owed him.
"Let's go?" tanong niya, habang binubuksan ang pinto.
Tumango lang ako.
Tahimik kami sa biyahe. Ang tanging ingay lang ay ang humuhuning aircon at ang mahinang tunog ng gulong sa kalsada. Minsan, parang gusto niyang magsalita, mapapansin ko 'yong bahagyang paglingon niya, 'yong paghinga bago siya umatras muli. Pero hindi niya tinutuloy. Ako naman, kunwari busy sa pagtingin sa labas, sinusundan ng mata ang bawat poste at signage na dumadaan, para lang may rason akong iwasan ang mga mata niya.
Pagdating namin sa gym, sinalubong agad kami ng ingay. Amoy pawis, rubber soles, at bagong mop sa sahig. Sinalubong siya nina Tunnel at ilang trainees — lahat energetic, high-fives dito, tawa doon.
Ako naman, nanatili sa gilid. Nakaupo sa bench, hawak ang maliit na tumbler na iniabot niya bago siya sumalang sa warm-up. Ramdam ko ang lamig ng metal sa palad ko, at sa loob-loob ko, hindi pa rin nawawala 'yong init na iniwan ng labi niya kanina.
Minsan, habang naka-focus siya sa drills, nahuhuli ko siyang tumitingin sa akin mula sa court. Sandali lang, isang iglap. Pero sapat para gumulo ulit 'yong utak kong pilit nagkukunwaring kalmado.
Nang tumunog ang whistle at nagsimula na ang game, doon ko lang narealize... hindi ko alam kung paano siya susuportahan nang parang normal. Kasi sa loob-loob ko, wala na kaming "normal" ngayon. Parang may bago kaming laro na sinimulan, at hindi ito tungkol sa basketball.
Friendly match lang daw between colleges and high schools. Parang ginagawa rin nina Henry ngayon. Hindi ko nga alam kung saan sila naglalaro, pero hindi naman 'yon ang laman ng isip ko.
Ang focus ko ngayon... nasa kanya.
Sumabog ang sigawan nang mag-first quarter. May mga banner, may mga chant, may mga taong halos mawala ang boses sa kakahiyaw. Ang court, punong-puno ng energy, pero sa kabila ng lahat ng ingay, parang may invisible distance sa pagitan namin ni Psalm.
Kanina lang, sa kusina, nakasandal siya sa sink, nakatitig sa akin na parang ako lang ang mundo niya. Pero ngayon, iba. Lahat ng atensyon niya nasa bola, sa bawat pasa, sa bawat galaw ng kalaban.
At kahit gano'n, hindi ko maiwasang mapansin, tuwing makaka-shoot siya, may mabilis na sulyap sa direksyon ko. Minsan, isang kisap lang. Pero sapat para maramdaman kong ako ang dahilan ng bahagyang ngiti sa gilid ng labi niya.
Nang mag-timeout ang team nila, umupo si Psalm sa bench. Pinahid niya ang pawis sa leeg gamit ang tuwalya, at saglit lang... nagtagpo ulit ang mga mata namin. Walang ngiti. Walang salita. Pero may tanong sa mga mata niya, isa na hindi ko alam kung kaya kong sagutin pagkatapos ng laro.
Natapos ang laro na lamang ang team nila Psalm. Tumutunog pa rin ang buong gym, halong hiyawan, halakhak, at ang pagaspas ng pom-poms ng cheering squad na may kasabay pang dagundong ng drums. Confetti drifted in the air like tiny pieces of celebration, habang ang soles ng sapatos ng players ay patuloy na kumikiskis sa sahig na parang echo ng adrenaline na hindi pa bumababa.
YOU ARE READING
Dying Embers
Fiksi RemajaOnce, their love burned like wildfire-passionate, unstoppable, consuming. Pero tulad ng lahat ng apoy, unti-unti itong humina... hanggang sa naiwan na lang ang abo at mga nagbabagang alaala. Years later, fate throws them back into each other's world...
