Chapter Seventy: Shattered Truths
I stayed awake the whole night. Kahit anong pikit ko, hindi dumadalaw ang antok. Para bang bawat segundo, binabalikan ako ng alaala ni Chance. Paulit-ulit, parang sirang plaka na ayaw tumigil. Kaya pag-uwi namin, tahimik na lang ako. Hindi ko na maalala kung paano ako nakarating nang buo sa apartment, pero malinaw pa rin sa isip ko, 'yon ang pinaka-awkward na biyahe ng buhay ko. Walang imikan, mabigat ang hangin, at bawat kalsadang dinaanan namin, parang diretsong tumatama sa dibdib ko.
Pagdating ko sa apartment, agad akong naupo sa kama. Ilang beses kong dinampot at ibinaba ang phone ko, hovering over Psalm's name. Ang dami niyang texts. Ang dami ring missed calls. Gusto kong mag-reply, pero wala akong lakas. Paano kung maramdaman niyang may mali? Paano kung malaman niya ang totoo?
I bit my lip hard. Maybe I should just go to his house. Hindi ko na kaya 'tong katahimikan, 'tong guilt na parang kumukulong hangin sa dibdib ko.
So I stood up, forcing myself to move. Naligo ako, hoping the water would wash away the heaviness, pero lalo lang akong nanlamig. I wore a plain blouse and jeans, nothing special. I just needed to see him.
The ride to Psalm's house felt endless. Bawat liko, mas bumibilis ang tibok ng puso ko. Para akong hinahabol ng sariling kaba. Nang makita ko na ang gate nila, parang biglang sumikip ang paligid.
I clutched the strap of my bag, trying to steady my hands. My knees were weak. "Kaya mo 'to," I whispered, though even I didn't sound convinced.
I pressed the doorbell. The sharp sound echoed through the quiet street. For a split second, gusto kong umatras, magtago, magpanggap na parang hindi ako pumunta rito.
Then the gate clicked open.
Pero hindi siya.
It was his mom.
"Rain?" gulat niyang sabi, may halong lambing at pagtataka sa tono niya. "Anong ginagawa mo rito?"
Parang nalunok ko lahat ng salita. I blinked, forcing myself to speak. "A-Ah... hinahanap ko po si Psalm. Wala po ba siya diyan?"
"He went out," she said, may halong pagtataka sa tono niya. "Hindi siya nagsabi kung saan. Do you want to wait for him here? Pasok ka, anak."
My heart dropped. Hindi ko alam kung dapat ba akong makaramdam ng ginhawa dahil wala siya, o mas matakot kasi kaharap ko ngayon ang isang taong alam kong hindi ko kayang pagsinungalingan.
Napalunok ako, pilit na ngumiti. "H-Hindi na po, Tita. I'll just call him na lang po. Sige po, una na po ako."
"Are you sure?"
Tumango ako agad kahit nanginginig pa rin ang mga kamay ko. "Opo. Thanks po, Tita."
"Okay, sige. Ingat ka, ha?"
She smiled at me gently before closing the gate. Naiwan akong nakatayo sa labas, staring at the doorbell I pressed just minutes ago. The air felt heavier, parang biglang lumiit ang mundo ko.
Saan kaya siya nagpunta?
Should I text him now? Should I call him? My thumb hovered over the screen, pero hindi ko magawa. Ang bigat-bigat ng dibdib ko. So I convinced myself he was just busy. Na wala lang 'to. Na ako lang 'tong nag-o-overthink.
Pero kahit anong paliwanag ang gawin ko sa sarili ko, hindi mapakali utak ko. So I walked. Wala akong malinaw na direksyon, pero naglakad pa rin ako, parang umaasa na kahit saan ako dalhin ng paa ko, nando'n siya.
I went by the school, checked the gym, pero tahimik ang buong lugar. Wala ni isang tao, wala man lang senyales niya. Ang naiwan lang ay amoy pawis at ang echo ng mga bolang kanina lang yata may naglalaro. Lalong lumalim 'yong kaba sa dibdib ko.
YOU ARE READING
Dying Embers
Teen FictionOnce, their love burned like wildfire-passionate, unstoppable, consuming. Pero tulad ng lahat ng apoy, unti-unti itong humina... hanggang sa naiwan na lang ang abo at mga nagbabagang alaala. Years later, fate throws them back into each other's world...
