Chapter Sixty-Seven

12 0 0
                                        

Chapter Sixty-Seven: Out of Reach

Pagbalik ko sa syudad, parang bitbit ko pa rin 'yong amoy ng dagat at ingay ng alon sa tenga ko. Pero ngayon, nasa loob na ako ng apartment, nakasandal sa malamig na pader, shoes still on, at 'yong malaking bag ko nakatambak sa may pintuan.

Ang una kong ginawa? Hinugot ko agad 'yong phone sa bulsa para mag-update.

To Psalm:

'Babe, nakabalik na ako.'

Halos wala pang isang minuto, nag-reply na siya.

'Finally! See you later, babe. I miss you.'

Napangiti ako kahit pagod. Ang gaan basahin ng mga salitang galing sa kanya. Pero kabaligtaran 'yong energy nang buksan ko ang GC naming lima. We have two GCs. Isang kasama sina Tunnel at mga tropa nila, at itong isa, kaming lima lang. Isang bagsakan ko na lang silang in-update para hindi na paisa-isa.

'Hi :P I'm back.'

Jilliana:
Buhay ka pa pala?

Henry:
Si ghoster pala 'to eh.

Nimbus:
Rain, you have no idea kung gaano nainis si Hari sa'yo hahaha.

Jilliana:
I'm mad too, duh! Hindi tuloy natuloy 'yong Tiktok transition natin. Malas.

Henry:
Hayaan mo 'yan, kapag 'yan hindi sisipot ulit mamaya, FO na talaga.

Napangiwi ako habang binabasa ang mga messages nila. Honestly, plano ko sanang dumiretso kay Psalm after this, gusto ko sana siyang makita agad. Pero sa tono ng mga 'to... parang kailangan ko munang manuyo.

Nag-type ako ulit.

To Psalm:

'I'd love to see you today, pero mukhang galit sina Jilliana. Hindi ko kasi nasasagot calls nila simula nang umuwi ako sa amin.'

He replied, 'It's alright. Just text me kung kailan ka free, babe.'

Napabuntong-hininga ako. Isinuksok ko ang phone sa bulsa, sabay tingin sa bintana. Sa labas, palubog na ang araw. Pinipinturahan ng orange at violet ang langit, parang watercolor na natutunaw sa hangin. Ang ganda sana, pero sa dibdib ko, may kung anong mabigat na gumugulong. Parang bagyong unti-unting nabubuo.

Nag-ayos na ako para makalabas. Light denim jeans, white loose top, sneakers na matagal ko nang hindi nagagamit. Sinuklay ko nang maayos ang buhok ko, pinilit gawing effortless, kahit halatang pinag-isipan.

Sa gilid ng salamin, kita ko ang huling sinag ng araw na unti-unting kumukupas.

Nang satisfied na ako, kinuha ko ang phone sa vanity table. Pagtingin ko, may bago nang notification sa GC namin.

Henry:
Pack your things, Rain. Ngayon ang outing para wala ka nang takas. Susunduin ka namin.

Napakunot ang noo ko. What the—?

Nag-reply agad ako, habang nakaupo pa rin sa harap ng salamin.

'Wait, what do I need to pack? Overnight ba 'yan?'

Mabilis ang sagot niya.

Henry:
Yes. We'll be there in 7.

Napabuntong-hininga ako nang mahaba, 'yong tipong pakiramdam mo, pati hangin may bigat. Parang bawat galaw ko, may kalabit ng alaala na ayaw pa ring tumigil. Lumapit ako sa closet, isa-isang hinila ang mga damit, nagdadalawang-isip kung alin ang dadalhin. Hindi ko pa nga alam kung saan ang outing, pero knowing Chance... siguradong somewhere far, weirdly specific, at may magandang view. Kaya naglagay na lang ako ng extrang damit, just in case.

Dying EmbersWhere stories live. Discover now