Chapter Forty-Seven

20 0 0
                                        

Chapter Forty-Seven: Reunion

"Ayoko, Nimbus," mahina kong sabi, halos pabulong, matapos akong kulitin nila Henry at Nimbus buong hapon tungkol sa reunion bukas ng gabi.

Nasa CSU kami, sa mismong building ng CHS. The place was quiet, only the faint hum of the aircon and the echo of our voices filled the hallway. Nakaupo kami sa lumang bench malapit sa faculty room, at ramdam ko pa rin ang lamig ng tiles sa ilalim ng sapatos ko. They both actually went out of their way just to tell me about that stupid reunion.

Gusto kong umiwas. Pero paano? Panigurado, pupunta si Chance. At kung tama ang hinala ko, isasama niya 'yong babae. 'Yong nililigawan niya. Just the thought of it made my chest tighten. Paano ko haharapin 'yon na parang walang nangyari? Hindi ko kaya. Baka mapaiyak lang ako sa harap nila. At mas lalo kong ayokong makita nila kung gaano pa rin ako nasasaktan.

"Rain, tingnan mo nga ako," sabi ni Henry, this time, with that serious tone he rarely uses.

Napatingala ako sa kaniya, kunot-noo. Sa tagal naming magkakasama, kabisado na niya lahat ng defense mechanism ko — when I avoid eye contact, when I force a laugh, when I pretend I'm okay. He's always been protective. Sometimes too much, actually. Para na siyang si Clarence na nagfe-feeling kuya, nakakaasar, pero minsan... kailangan ko rin 'yon.

"You're still into him, right?" tanong niya bigla, diretso, walang paligoy-ligoy.

Napalunok ako. Hindi ako sanay na ganito siya. Usually, Henry is all jokes and stupid puns, pero ngayon, it felt like he was reading straight through me.

"Ano bang pinagsasabi mo?" tanggi ko, pilit pinapagaan ang tono ko. Pero ramdam ko ang panginginig ng boses ko. Sana hindi niya napansin.

"'Wag ka nang magtago," sabat ni Nimbus, naka-slouch pa rin sa upuan. "Hari knows your move kasi ganyan din siya, 'di ba? Same kind recognizes each other, you know."

I rolled my eyes and puffed out a breath. "Ang kulit niyo."

"Rain," tawag ulit ni Henry, mas mahinahon ngayon, pero mas may bigat. Bumuntong-hininga siya bago tumingin sa'kin nang diretso, parang gusto niyang basahin lahat ng takot at pagod na tinatago ko.

"Hindi na tayo high school. Hindi mo na kailangang magpanggap."

Napako ang tingin ko sa sahig. Gusto kong magsinungaling, sabihing wala na, na tapos na ako kay Chance. Pero paano kung mismong mga mata ko na ang kumakanta ng totoo?

Gusto ko siyang barahin. Gusto kong sabihin na mali siya. Pero ang totoo... pagod na rin akong magtago.

"Bakit ba kasi kailangan pa nating pumunta?" tanong ko. "Hindi naman importante 'yon."

"Rain, it's not just about you," sabat ni Nimbus, this time mas seryoso ang tono. "CSU gave us so much. At saka..." nag-alangan siya sandali, "...kailangan mo na ring harapin 'yan."

Tahimik ako. May bigat sa dibdib ko na parang ayaw umalis. Alam kong tama siya, pero ayokong aminin. Ayoko pang humarap sa sarili kong sakit.

"It's hard," mahina kong sabi. "Hindi ko kayang makita si Chance. Lalo na kung kasama niya 'yong... 'yong nililigawan niya. Look, it's already hard for me na malaman galing mismo sa kanya na may nililigawan siya. Paano pa kapag nakita ko sila together? You guys know I'm still into him, fine. Kaya nga mas lalo niyo dapat maintindihan kung bakit gusto kong umiwas."

"Mas magiging mahirap kung palagi kang iiwas," sagot ni Henry, calm but firm. "You don't have to be okay in front of him, Rain. You just need to show up, for yourself."

Parang tinamaan ako sa gitna ng dibdib. Alam kong totoo, pero hindi iyon nagpapagaan sa pakiramdam ko.

"Fine," sabi ko sa wakas.

Dying EmbersWhere stories live. Discover now