Haist!!!!
Magpakilala muna ako sa inyo....
Ako kaya ang bida ng istoryang ito! Hehehehe
Ako nga pala si ading, hehehe yon kasi ang tawag sa akin ng mga kapitbahay ko sa amin, pati sa dalawa kong kapatid,, kapatid sa ama...
Ang totoo kong pangalan ay adele sandra mariano..oh ganda ng name ko, ano? Pero naging ✌️ading✌️pangi! Talaga! Kasing pangit ng mga ugali ng mga kasama ko sa bahay, maliban lang kay papang..
Hanggang high school lang ang natapos ko, hindi ako nakapag tapos dahil kinapos kami sa budget. Pero ang sakit lang isipin na mas pinaaral nila ni papang ang dalawang maldita na yon., Na hindi naman kasing talino ko, heheheh ang yabang ko naman yata..
Kaya, yon, haggang second year highschool lang ang natapos ko, at dalawang maldita naman nakapagtapos naman sila. Pero hindi marunong tumingin sa pinanggalingan..
Ito kasing si papang, eh
Nagpapaander sa ikalawang asawa.. grrrrrr..24 na taon na ako, pero, hindi ako kagaya ng mga kapatid ko na may stable na silang mga trabaho at ako hanggang bundok lang yata ako nito...
BINABASA MO ANG
The Innocent Girl In City ( Complete )
De TodoPaano ba mangarap, sa isang tulad ko? Na walang alam gawin,,, kundi makipag laro sa mga hayop sa bundok. Mahilig akong makipag takbuhan sa mga na alaga ng papang ko , tulad ng kambing, kalabaw, baboy at kabayo. Lumaki ako sa bundok, na kahit kailan...