i need work

860 19 1
                                    

Ading,adele

Ano kaya ang hitsura ng syudad? Hmm,, iwan ko sa akin, malay ko ba hindi ako nakapunta ng syudad...
Haggang tingin na lang ako mula dito, makikita ko mula dito sa bundok ang buong syudad...

" Hoy, ading! Nag aano ka na naman dyan? Palagi mo na lang tinignan ang syudad, mula rito. Wala bang plano ang mga kapatid mo sayo na isama ka nila sa syudad?" Lapit sa akin ni alma na isa kong kababata. Mabuti pa nga to, pabalikbalik na siya sa syudad dahil may ate siya doon. Malay ko ba, hindi nila ako gusto? Iwan ko aa mga yon may mga sariling mundo..

" Wala naman, silang gana sa akin eh, kaya bahala na sila, kahit saan pang lupalop sila magpunta" sabi ko habang nakatuon ang mga mata ko sa malawak na syudad, habang nakasakay ako sa kabayo ni papang.

"Grabe naman yang mga kapatid mo, parang hindi ka nila kapatid. Pasalamat sila, nakapagtapos sila ng pag aaral, dahil mas sila pa ang priority ng papang mo. Iwan ko kay tyong arman, nagpapa under, kay tyang lisa, hindi naman yan ganyan dati noong nabubuhay pa ang mamang mo" iling ni alma, kagaya ko rin nakasakay siya ng kabayo..

" Bahala sila, basta ako, oras na may magyaya' sa akin ng trabaho sa syudad, sasama ako." Sabi ko na ikinagulat ni alma

" Ano?, Baka, mapano kapa sa syudad oy,!"

" Ah basta, magtatrabaho ako doon, kahit katulong nalang. Yon naman din ang bagay sa akin, dahil hindi ako nakapagtapos ng pag aaral." Ang sakit nga isip na, gusto mong makapagtapos, hindi naman na tupad. At gusto ko ring tulungan si papang, may idad na siya at nasa bukid parin siya ng tatrabaho sa isang hacienda dito sa amin..

" Alam mo sayang nga noh? Ang talino mo pa naman, kaso mas pinili pa yong dalawang maldita na patapusin ng pag aaral." Tama si alma, minsan nga makaramdam ako ng pagkainggit sa dalawang yon, pero pinilit kong maging matatag kahit may kunting kirot dito sa puso ko.

"Wait, may alam akong trabaho," tingin ko kay alma

" Talaga? Saan?" Saya kong tanong

" Sa hacienda,,, oo sa hacienda. Nalaman ko kay nanay na, darating daw yong isa sa anak ng don, at naghahanap ito na katulong, at pagka alam ko dadalhin daw yong katulong sa syudad par mag alaga ng anak nito" hmmmm! Parang intirasado ako..

" Ano ba yong anak ng don? Babae ba? At may sarili ng pamilya?" Curious lang ako, wala kasi akong alam sa may ari ng hacienda..

" Sabi ni nanay, hiwalay daw sa asawa at may isang anak, pero hindi ko alam kong babae o lalaki ang anak ng don"

" Hmm, ah basta! Parang gusto ko yon, alma. Gusto kong magtrabaho" sabi ko na pa kurao kurap pa ako sa mata ko.

" Oh sige, itatanong ko kay nanay pag uwi niya mamaya pagdating niya mula doon sa hacienda."

" Salamat alma" sabay pa kaming nag apir.

Masaya kaming nakasakay sa kabayo..
Para pa kaming nagkarera,,

" Hahahahah"

Tawanan kami, si alma lang ang ka close ko sa amin.

 The Innocent Girl In  City  ( Complete   )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon