My new life in the city 🌆
Ading, adele
Isang linggo na ako dito sa syudad, simula ng dinala na ako ni señorito dito, bilang nanny ni ashley...
Nakatira kami sa bahay niya, hindi naman masyadong malaki na bahay,...Naalala ko noong isang araw ng pumunta kami ng mall..
" Woo, ang lamig naman dito" reaction ko ng nakapasok kami sa loob ng mall, giniginaw talaga ako, eh. Nakita kong umirap si señorito sa akin.
" Ha ? Bakit, parang giniginaw ka yata?" Tanong niya sa akin, habang hawak ko sa kamay si ashley
" Opo señorito, giniginaw talaga ako, first time kong makapasok sa mall. Alam nyo namang taong bundok ako" irap ko rin sa kanya.
" What?" Wat wat ka dyan!!?
" Ate adele, Let's go to the play ground." Aya sa akin ni ashley, pero tumingin muna ako sa taong to kung papayag ba siya. Baka magsesermon na naman, tulad ng nangyari sa hacienda..
" Okay baby, Let's go there." Sabi niya at nauna pa siyang maglakad para magbayad ng entrance fee.
Habang hinihintay namin ni ashley ang daddy niya, nilibot ko muna ang paningin ko, sa pabas ng play ground.. kumislap ang dalawa kong mata sa isang bagay na noon ko pa pinangarap na may ganon akong bagay.. nakatuon lang ang mata ko doon.
" Mabibili rin kita" bulong ko sa aking sarili
" Hey, are you out of mind?" Tanong bigla ni señorito sa akin, hindi ko kasi na malayan na nakalapit na pala siya sa amin. Kanina pa pala ako tinawag..heheheh, gusto ko kasi ang bagay na yon, eh...
" Ay sorry po, señorito"
" Ate adele, dad said We will go inside" sabi naman ni ashley
" Ah, okay baby, let's get inside na" sabay kaming pumasok tatlo sa loob ng play ground..
Pero kahit nasa loob parin kami ng play ground, agaw ko parin pansin ang isang bagay na nasa labas, dahil makikita dito sa loob..
At biglang tikhim si señorito sa likuran ko." Ehem!!" Nilingon ko siya
" Makati po ba ang lalamunan nyo, señorito?" Tanong ko bigla na ikina kunot ng noo niya. Anong masama don? Nagtatanong lang naman ako, ah?
"Tsssk, silly, kanina pa kita napapansin, ano ba yang kakatingin mo dyan sa labas?"
" Ha? Ah, ah , wala po, señorito, heheheh"
Napansin tumayo siya at humarap sa akin.
" Lalabas muna ako, bibili muna ako ng milk tea., It's ashley favorite. Keep on eye ashley ."
" Okay po señorito"
At tuluyan na siyang lumabas ng play ground..
Pinagmasdan ko lang ashley habang masaya siyang nakipag laro sa ibang bata.Ang saya talaga maging bata, walang problima pinapasan. Sa idad kong 10, hindi ko naranasan na maraming laruan at makapasok man lang sa isang play ground. Wala naman kasing play ground sa hacienda..
~''~~'~~~~'~~~'''''''''''
Nandito ako ngayon sa harap ng pool, nagbabantay kay ashley na naliligo sa pool.
Nakita ko ang isang kasamahan ko dito sa bahay na isa ring katulong, pero taga luto siya at taga linis.
" Adele, pinapasabi pala ni señorito na gagabihin daw siya ng uwi, at sabi niya ,tabihan mo na lang daw sa pagtulog si ashley mamaya. Doon ka matulog sa kwarto ni ashley" tango ko na lang
" Opo ate sherry" matagal kasi patulugin tong si ashley, kailangan pa na may bedtime story para makatulog siya at yon ang ginagawa ni señorito kapag hindi siya mali late ng pag uwi..
" Ay siya nga pala, adele, pupunta ako ngayon' sa grocery store, may ipapadala ka ba?" Tanong ate sherry
" Uhm, ate, pwedi po magpapadala ako sayo ng, hmm , napkin at feminine wash?, Heheh" hiya kong sabi
" Ikaw talaga', oo naman . Yon lang ba?"
" Opo ate yon lang"
" O sige aalis na ako, bantayan mo ng maigi ang malikot na yan." Turo ng nguso ni ate sherry sa kay ashley
" Opo ate" at tumalikod na siya..
BINABASA MO ANG
The Innocent Girl In City ( Complete )
RandomPaano ba mangarap, sa isang tulad ko? Na walang alam gawin,,, kundi makipag laro sa mga hayop sa bundok. Mahilig akong makipag takbuhan sa mga na alaga ng papang ko , tulad ng kambing, kalabaw, baboy at kabayo. Lumaki ako sa bundok, na kahit kailan...