about frances

255 10 2
                                    

ADELE

Sa aking pag iisip, napansin kong may tumabi sa akin habang nakaupo sa harap ng pool.

" Anak? May gumugulo ba sa isipan mo? Sa napapansin ko, kanina ka pang hindi mapakali nung nandito pa si señorito frances."  Pukaw pansin ni papang sa akin.

" Uhm, kayo pala, pang. Uhm wala naman po, a?"  Deny kong sabi sa kanya.

" Anak, adele. Pitong taon ka lang na wala sa akin hindi mo maikaila  sa akin kung may gumugulo sa iisipan mo. Kilala kita , adele."

" Kayo talaga pang, o. Wala po talaga pang."

" Nakahanda naman akong makinig, e. Ama mo ko at anak kita. Kaya sino ba naman ang magkakaintindihan? Diba tayo lang na magkapamilya?  Alam ko adele.  Sige na, sabihin ko na." Sabay akbay ni papang sa balikat ko. Ito yong namiss ko . Yong magkukwentuhan kaming mag ama at papayuahan ng maganda. Kagaya noon.

" Uhm, pang? Paano kong may mali akong nagawa? Tatanggapin nyo pa ba ako? Hindi kaya ikakahiya nyo ako?" Paninigoro ko na tanong.. ang ayaw ko, ay yong ma disappoint sila sa akin, lalo na ay matagal na yong nakalipas.

" Bakit, anak? Gaano ba ka mali ? Alam mo nagkakamali ang  isang tao pero may matindi naman yong rason, kong bat nangyayari yon. Malamang hindi rin nila ginusto yon, may mali ba na dapat ikasaya?"

Tama si papang, hindi naman ako masaya sa mali. sa ilang taon kong nilihim sa kanila ay lalo akong nakunsinsya. Hindi naman kasi habang buhay kong ililihim yon, lalo na ngayon alam na nina ashley at frances..

" Uhm, pang. Hindi po anak ni Andrie si ash. " Diritso kong sabi.

🤐🤐

Nakatingin lang siya sa akin, na tila ba binabasa ang mga mata ko kung nag sasabi ba ako ng totoo.

" Pang, yon po ang nagawa kong mali, inilihim ko sa inyo na pamilya ko ang tungkol kay ash.  Pero alam po ito nina cd at ate alexa. Itinuri nila itong kadugo.
Laking pasalamat ko sa kanila dahil nandun sila  para sa anak ko sa mga panahon na wala ako sa tabi ni ash. Sila ang tumayong ama at ina  sa bata na dapat ako ang gumagawa nun. Nadamay pa si ash sa mga walang kwenta kong disisyon sa buhay. Dahil sa kakaiwas ko sa ama niya ay nadamay pa siya. Ay yon ang magkahiwalay kami."mahaba kong litanya ..naramdaman kong hinigpitan ni papang ang akbay niya sa akin at nagsalita na...

" Si frances ba? Si Frances ba ang am ng bata?" Kalmang tanong niya.. paano niya nalaman?
" Anak, sabi ko sayo kanina lang na hindi ka mapakali nung nandito si frances at alam mo ba sa nakikita ko sa kanila kanina? Para silang mag ama, at magkahawig pa. Pero pilit kong hindi magsasalita."

" Nahahalata nyo pa yong hitsura nila? Uhm pang, hindi ba kayo galit sa akin?" Pag alalang tanong ko ..

" Bat naman ako magagalit? Sa katunayan, matagal ko ng alam yan, nak."

" Po? Pero paano?"  I was curious.

" Ang totoo niyan. Noong buhay pa si Andrie, ay pinaalam niya na buntis ka, pero. Pilit niya ipinaintindi sa akin na subra ka niyang mahal at nakahanda  daw siya anumang bagay na darating sa bubay nyo. nung mga oras na yon, nagdududa na ako, parang may gusto siyang nais ipa intindi. Kaya  tinanong ko siya kong ano ang problema, inaakala ko pa nga noon nag aaway kayo. " Ano? Bat wala akong alam tungkol dun?
" Sinabi niya sa akin ang lahat, anak. Sinabi rin niya sa akin na nagtagtapat sa kanya si frances sa araw ng kasal nyo. Na sa inaakala ni frances ay hindi e tutuloy ni Andrie ang kasal dahil  sa nagyari sa inyo. Pero nagkakamali si frances,dahil itinuloy ni Andrie ang kasal. Para sa  andrie hindi hadlang sa kanya ang nagyari ang importante daw ay yong napasa kanya kana." 

Hindi ko mapigilan ang mapa hikbi sa nalaman ko mula kay papang na akala ko huhusgahan nila ako.
Si Andrie, napaka swerte ko sa kanya dahil siya ang naging asawa ko, yon nga lang sa maikling panahon.

" Pang, patawad, wala kasi akong lakas ng loob para sabihin ko po sa inyo. Pinaghinaan po ako ng lakas noon.  Salamat pang sa pag intindi sa akin."  Mas lalo akong naiyak ng yakapin ako ni papang..

" Tahan na.. wag ka ng umiyak. Naiintindihan na kita. Ok noong una na galit ako ng nalaman ko mula kay Andrie, nagalit ako kay frances.  Pero. Ang bait ng asawa mo, adele. Nakikiusap siya sa akin na wag daw akong magtanim ng galit kay frances. Hindi ko lang lubos maisip na, kung mahal ka ni frances? Bakit niya nagawa yon sayo?"  Sa tanong ni papang, naurong yata ang mga luha ko at kumuwala sa pagkayap sa kanya

" Pang pwedi po bang wag na nating pag usapan ang tungkol sa mahal na yan? Kinikilibutan kasi ako, e. May galit parin po ako kay frances, pang. Pero ang ikinabahala ko po, iyong ipaglalaban daw niya si ash. Alam na kasi niya ang tungkol sa bata. Pang paano kong ilalayo niya sa akin si ash? Paano kong sasama naman ito sa kanya? Mas close pa nga sila, e. Sa nakikita ko sa kanila kanina, parang palagi silang magasundo?"

" Anak, wag kang mabahala.   Talagang magkasundo sila. Dahil palagi kasing dinadala si ash ni ashley every weekend sa bahay nila." Sabi naman niya.. oo nga pala subrang close pala nina ashley at ash. Na sa inaakalang magpinsan ang mga ito..
" Ama rin si frances, kaya pag usapan nyo naman ng maayos to at ikaw napansin kong pinagtatarayan mo siya, wag ganun anak. Sige ka baka tuluyang malayo sayo ang anak mo."

" Pang naman, e naiinis kasi ako sa kanya pang, e."  Pagmamaktol ko.

"Ikaw talaga. May tanong ako anak? Naipagtapat ba niya na mahal ka niya noon?" Ano naman tong tanong ni papang?

" Uhm, noon po hindi. Kagabi ko lang po nalaman yong naramdaman niya sa akin"

" Ah, magsama pala kayo kagabi? Diba sabi mo maabutan ka ni frances sa condo ni ashley kanina? Paanong nalaman mo kagabi?" Takang tanong ni papang, haist subrang daldal naman ng bibig na to! Grrr..

" Hehehehe, actually pang, kasama ko siya kagabi at  nalasing ako sa bar niya at siya mismo ang naghatid sa akin sa condo ashley" sabay peace sign ko..

 The Innocent Girl In  City  ( Complete   )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon