Ading,adele
Kinabukasan, masaya akong nagdidilig ng mga bulaklak sa likod ng bahay namin..
At salamat wala na ang mga bruhildita sa bahay namin. Umalis na kaninang umaga, kakairita talaga ang mga babaing yon, lalo na kagabi, ng nalaman nila na muntik na akong madisgrasya sa kabayo, pinag tatawanan pa nila ako? .." Ading! Ading!" Tawag sa akin mula sa likuran ko, si alma pala, sakay siya sa kabayo niya.
" Oh alma, bakit?" Lapit ko sa kanya
" Muntik ka raw na disgrasya kahapon?" Tanong niya
" Oo, muntik talaga', buti nalang" naisip ko ang taong tumulong sa akin.
" Buti ano? Buti na ligtas ka ni señorito Francis?, Alam mo bang, usap usap mula kahapon haggang ngayon ang pagtanggol niya sayo?"
" Anong usap usapan?, Bakit naman daw?" Taka kong tanong
" Dahil niligtas ka niya, at sabi pa nila, para daw kayong nasa isang movie action, ayeeéeeeeeeh"
" Ano?" Reaction ko, mga tao talaga oo.
" Ay siya nga pala, nakausap ko na si nanay kagabi, dadalhin daw kita ngayon doon, para ipakilala ka sa magiging amo mo, dahil aalis na bukas ang yaya ng bata. Ano? Game ka na ba?"
" Game na! , Ano ito , luis mansano, ikaw ba yan?" Biro ko pa sa kanya.
" Hahah, ikaw talaga, ading. Sure ka na?" Tumango ako
" Oo, pero hindi pa to alam ni papang eh. Pero mamaya na lang pagkagaling natin doon"
" Okay" sabi niya
" Hintayin mo na lang ako dito, at pasakay na lang rin kabayo mo ha"
" Oo, no worries" sabi niya at tumalikod na ako papasok ng bahay namin. Salamat wala pa ang magaling kong madrasta.. hinatid niya kasi ang dalawa sa sakayan ng buss..
~~~~~~~~~~''''''~'''
" Okay, let's go?" Sabi ko ng nakalabas na ako mula sa bahay namin.
" Wow ang ganda talaga ng best friend ko, alam mo kahit ang anong design pa ng damit na suotin mo, bagay talaga sayo, grabee."
" Loka!" Kapit ko sa kanya para maka sakay na ako sa kabayo niya..
" Totoo naman ah, morena beauty ka, at ang tangkad mo pa, malayo yong dalawa sayo! Hindi nila ma talbugan ang beauty mo"
" Hahahhaa" tawa ko na lang
" Uhm ading?"
" Hmm?"
" Nakilala mo ba si señorito kahapo?" Tanong niya bigla ng habang naglalakad na ang kabayo palayo sa bahay namin.
" Hindi ko siya nakilala kong ano ang pangalan niya, ang mukha lang,. Pero yong anak niya ubod na cute, nakilala ko" sabi ko.. naalala ko maamong mukha ni ashley..
" Talaga? "
"Oo"
" Alam mo bang apat silang magkakapatid na anak ni don rodrigo, dalawang babae at dalawang lalaki. Sa narinig ko isa lang daw ang pina kasungit sa kanila at napaka suplado, siya yong pinakabunso" kwento sa akin ni alma. Kong ganon? Wala ng iba? Ang taong yon kahapon.
" Uhm, alma? Kilala mo ba ang magiging amo ko?" Tanong ko
" Hindi , hindi kasi sinabi ni nanay sa akin, doon na lang natin malalaman sa hacienda. Ang kilala ko sa kanila ay si señorito Francis lang, at pag kakaalam ko may sarili na rin siyang pamilya"
" Ganon ba?, Okay, sana mabait yong magiging amo ko" sabi ko..
" Sana nga"
Sa di kalayuan tanaw nanamin ang masion ng mga vermidez, ang may ari ng hacienda..
BINABASA MO ANG
The Innocent Girl In City ( Complete )
RandomPaano ba mangarap, sa isang tulad ko? Na walang alam gawin,,, kundi makipag laro sa mga hayop sa bundok. Mahilig akong makipag takbuhan sa mga na alaga ng papang ko , tulad ng kambing, kalabaw, baboy at kabayo. Lumaki ako sa bundok, na kahit kailan...