PAPANG ARMAN✓
Napansin kong may magkasunod na dumating na sasakyan sa harap ng bahay ko, at parang kilala ko mga sasakyan na yan..
Nakita kong unang bumaba ang isang babai na maypagka boyish kumilos, pero pusong babai naman.
Sinalubong ko siya..
" Tatay arman" sabi niya at sabay mano sa akin at humalik pa sa pisngi ko, ang bait talaga ng batang ito..
" O, ikaw pala, Ashley. Ba't naparito ka? Akala ko ba nasa bahay ka ng daddy ka ngayon? Weekend ngayon diba?" Tanong ko. Alam ko kasi basta weekend ay uuwe siya ng bahay nila, at tuwing lunes hanggang biyernes naman ay nasa condo siya..
" Doon na po ako galing, e. Dumalaw lang ako tatay" hindi na lingid sa kaalaman ko sa batang ito. Alam kong may kailangan siya sa akin, at tungkol nanaman ito kay adele..
" Tita Mommy? Baby ash?" Narinig kong sabi niya, at tama ako sa narinig,. Si alexa at ash ang kasunod na bumaba ng isa pang kotse .. miss ko na rin ang apo ko.." Lolo!" Sigaw ng bata at lumapit sa akin at humalik sa pisngi ko..
" Ate, Ashley? " Baling niya rin sa pinsan niya.." Ashley? Why are you here?, Dapat bonding nyo ng ama mo ngayon, a." Tanong naman ni alexa.. oo nga no? Di kaya nagtampuhan nanaman ang dalawa?
" No, busy si dad sa fling niya, e." Napa tsk na lang ako sa narinig mula kay Ashley.. napaka babaero na talaga ni señorito Frances..
" O siya. Pumasok na tayo sa loob, malapit ng gumabi. Para sabay narin tayo maghapunan." Sabi ko at sumunod naman sila. Tinawag ko ang kusinera namin para damihan ang pagluto ng pagkain dahil may bisita kami.
" We're here! " Bosis naman ni tanya at kasama niya si cd, na kakarating lang din..
" O, ate alexa, ash? Nandito pala kayo? O, Ashley? Your here too? Ano bang meron, ba't nandito rin kayo?" Tanong ni cd at hinarap ang dalawa.
" Si tito arman/ si tatay arman" magkasabay na sagot nina Ashley at alexa. Ako? May kailangan sila sa akin?
" Hahaha, sabay talaga kayo, ha? Well, ako rin may gusto akong ipakausap kay papang. At alam kong iisa lang tao na nasa isip natin" sabi naman ni tanya? Iisang tao? Sino?
" Hahaha, what the coincidence? Iisa lang ang pakay natin kay papang, ay iste kay tito arman." Sabi ni cd, na may halong tawa pa.. masayahin talaga ang batang to!!
"Tama, si cd, tito. We need your help, po. Pls were begging you. Kailangan naming maka uwe si adele sa birthday ng anak niya. Naawa na kasi ako sa bata, subrang miss niya ang mom niya, tito." Sabi ni alexa.. bakit? Hindi nanaman ba uuwe si adele sa birthday ni ash? Wala na ba siyang oras para sa kaarawan ng anak niya? Minsan lang naman to nangyayari, a?
" Oo nga po, kaya nga nandito din po ako ngayon sa harapan n'yo. Nagkausap kasi kami ni ate adele kanina, naiirita po ako sa kanya kanina. Hindi niya po naisip na kailangan siya ni ash sa birthday nito. Alam nyo po bang, paulit ulit lang po ang wish ni ash sa birthday niya? " Huminto na pagkasabi si Ashley ng sabay naman mag tanong ang tatlo.
" Na ano?" Sina cd, alexa at tanya. Buti na lang dumiritso si ash sa may maliit na playground dito sa bahay. Pinagawan ko talaga siya..
" Na, na uuwe ang mom niya, at mayakap ng mahigpit dahil never na daw niyang nayakap ang mom niya. Yon palagi niyang kinukwento sa akin, after hes birthday." Nanlumo ako sa narinig.. ganon ba parati niyang wish? .. ilang taon ko ng pinaglagpas ang mga dahilan ni adele sa araw ng kaarawan ni ash. Maski hindi kaarawan ni ash, hindi parin siya umuwe dito sa bahay, ano bang silbi ng bahay na malaki kong hindi naman kumpleto ang nakatira nito? Siya ang nagpagawa nito. Para daw sa amin na pamilya at para daw may uuwian siya. Pero, bakit haggang ngayon, wala paring adele na sumulpot? Umaasa ako palagi na sana isang araw ay uuwi ang anak kong matagal nawalay sa akin...
" Pang, ikaw na lang pag asa namin. Pauwiin mo na sia ate adele, naawa na rin ako kay, bigboy. " Saad ni tanya. Naiintindihan ko naman sila. Kaya oras na siguro na ako nanaman ang masusunod sa pamilyang ito..
" Okay, 'wag kayong mag alala. Kokontakin ko siya., Dapat nandito siya sa birthday ng anak niya" pagkasbi ko.. nakita ko na sumigla nag mga mata nila..
" Hip! Hip!, Anong kaguluhang to? Pwedi makisali? Parang late na yata ako , a. Oo nga pang pauwiin nyo na si ate adele, para matulungan niya kami sa negosyo niya dito.. kaloka ang mga restaurant niya, palaging dinadayo ng mga torista, palaging busy at occupied palagi. Kahit iwanan pa niya ang trabaho niya doon, hindi parin siya maghihirap dito." Biglang sulpot ni carla.. sila kasi ni tanya ang pinakatiwalaan ni adele sa restaurant.
" O siya doon na tayo sa hapag kainan, naghihintay na ang grasya. Kaya na nag papang nyo yan" sulpot naman ni nimpa na asawa ko..
Oo, ako na. Ang bahala kay adele.....
BINABASA MO ANG
The Innocent Girl In City ( Complete )
RandomPaano ba mangarap, sa isang tulad ko? Na walang alam gawin,,, kundi makipag laro sa mga hayop sa bundok. Mahilig akong makipag takbuhan sa mga na alaga ng papang ko , tulad ng kambing, kalabaw, baboy at kabayo. Lumaki ako sa bundok, na kahit kailan...