Chapter 47: A Father's View

121 11 0
                                    

Chapter 47:
A Father's View

THIRD PERSON

It's almost 12 years since the family Moran-Harris broke. Ang pangamba ni Sun Carmela-Commander ng Solar-ay nagkatotoo. Ngunit dahil sa pinaghandaan ay hindi tuluyang nagtagumpay ang kanilang kalaban sa pinaplano.

Nakatakas si Sun Carmela kasama ang kanyang natitirang anak na nasa bisig niya at isang kaibigang kanyang linapitan ng tulong. Si Chiena Marie Austero o mas kilala bilang si Cherry.

Naiwan si Desire Carmela sa kanyang ama na si Dion Harris.

Nagpatuloy sa kani-kanilang buhay at umasang darating ang panahon at magkakasama-sama silang muli.

Naging mas agresibo si Dion sa kanyang mga estratehiya upang mapabagsak ang organisasyon. Pagkatapos kasi ng gabi kung saan sila nagkahiwa-hiwalay ng landas, sinisi niya na ang sarili dahil hindi niya nagawang protektahan ang kanyang mag-iina.

Coldy

Iyon ang tawag sa kanya ng kanyang asawa. Tila mas naramdaman ang pagiging malamig niya sa lahat ng taong nakapaligid sa kanya..

Tanging ngiti na lamang ng natitirang anak na nasa kanyang tabi ang kanyang naging apoy upang hindi tuluyang lamunin ng malamig na kadiliman ng kanyang buhay.

"Keeper, may nag-enroll sa Ertha na isang Edison."

Balita sa kanya na isang tauhan. Pagkarinig niya pa lamang sa pangalan, napakuyom niya na ang kamao. Alam niyang kasama ng Autotrophs ang mga Edison. Matagal niya ng gusto itong pabagsakin ngunit pinigilan siya noon ng kanyang asawa. Hindi niya mawari ang gustong mangyari ng Commander, marami silang nakalap na ebidensya laban sa kanila ngunit hanggang ngayon ay hindi pa sila pinapakulong.

Ganon pa ma'y lagi niyang binabantayan ang kilos ng magkakapatid na Edison.

"Who?"

Tanong ni Dion Harris sa tauhan. Iniisip niya kung anak ba ni Leonardo Edison ang tinutukoy dahil nag-iisa lang naman iyong tagapagmana.

"Izen Caramel Edison ang nakalagay sa kanyang profile. At base rito, anak siya ni Trevor Edison sa kanyang asawang si Chiena Marie. I find it weird dahil alam natin lahat kung ano ang nangyari sa mag-asawa."

Napalalim ang iniisip ni Dion Harris. Tama ang kanyang tauhan, minsan na nilang tinulungan si Chiena Marie laban sa kanyang asawa dahil sa pananakit nito at dahil na rin sa nagkaroon rin naman talagang kalaguyo si Chiena. Paano sila magkakaroon ng anak kung matagal na silang hindi nagsasama?

"Dahil nga hindi ako makapaniwala, nag-imbestiga ako Keeper at ayon sa aking nakalap, walang Izen Caramel Edison na nakarehistro sa bansa. The Birth Certificate is fake."

Mas lalo siyang naguluhan dahil sa balitang narinig. Kung ganon ay sino ang batang tinutukoy ng kanyang tauhan? Ano ang tunay niyang pagkatao?

"Have you tried to search kung related nga ba ang batang tinutukoy mo sa Autotrophs na 'yon?" Napatanong ang Keeper na si Dion.

"Yes.. I found out na sa ibang bahay naninirahan ang Izen na ito at kasama niya nga si Chiena Marie Edison na naninirahan sa bahay na 'yon.. Ngunit nalaman ko rin na bumibisita siya sa Mansyon ng Edison paminsan-minsan. Kaya naging kuryuso na ako sa batang ito."

Napatango ang Keeper. Maging siya ay nabalot ng mga katanungan sa kanyang isipan. Ngunit ng maalala niyang Edison ang bata, maaring Autotrophs rin ito.

Naghanap siya ng maaaring magmanman sa batang Edison at doon na pumasok sa buhay niya si Orville Quillen. Tamang-tama dahil magkatabi ang kanilang bahay at malapit rin ito sa ina ng bata.

Code: ICE (Code Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon