Chapter 18: Card

99 9 0
                                    

Chapter 18:
Card

ORVILLE

Hingal na hingal kami pareho ni Sir Harris ng marating namin ang kanyang opisina. Pareho kaming napabuga ng hangin ng makita namin ang humihinga pang Desire Carmela na perteng nakaupo sa couch habang nakacross legs and arms pa. Thank goodness! She's still alive!

But..

Inikot ko ang aking paningin sa buong opisina ngunit wala ni anino niya. Nasaan siya?

"Where have you been Carmela?!" bulyaw agad ni Sir ng mahimasmasan siya. Kahit ako'y gusto siyang sigawan. I almost have a heart attact a while ago. Kahit naman hindi kami magkaibigan nitong anak ni Sir, nag-alala pa rin ako sa kanya. At isa pa.. Kasama niya si Izen ng mawala siya..

"Why don't you asked your stupid guard, Dad? He's the one who take me into a remote place! Gosh. I wanna punch that man in the face." sagot ng huli. Then? What about Izen? "Because of him, nawala sa paningin ko ang manika mo daddy! Ugh!"

"Sinong Manika?" tanong ni Sir Harris.

Desire rolled her eyes.

"Si Izen. Duh? Di ba manika mo siya. Tss." maarte niyang sagot. Wait what?

"She's not my doll. At wag mong ibahin ang usapan. Alam mo bang maraming nawawalang estudyante ang Ertha ngayon?! And three of them are found dead this morning!" singhal ni Sir sa anak.

She rolled her eyes again. Parang walang paki-alam sa narinig.

"Not my fault." Wika niya pa at tumayo na. Agad namang napatuwid ng tayo ang lalaki sa kanyang likod na kanina pa niya matalim na simusulyapan. Ito siguro ang guard na sinasabi niya kanina.

"Go home." iyon na lamang ang nasabi ni Sir sa anak. Kanino kaya nagmana ang anak na ito ni Sir?

"My pleasure." sarkastiko pang sagot ni Desire. Uh.. Sakit sa Ulo..

But where's Izen, really?

"Desire.." Tawag ko bago pa man siya tuluyang makalabas ng opisina. "Si Izen?"

Tumagilid ang ulo niya at tinitigan ako ng walang ka-emo-emosyon niyang mga mata.

"Orville.." tawag niya sa pangalan ko na mukhang inisip niya pa kung tama ang pangalan na kanyang nasambit. "Bigla na lang siyang nawala kahapon. Pumunta kami sa Mall because we have she has so many things to tell me." binalingan niya ang ama na ngayo'y halos wala na ring emosyon sa mga mata. "Nagpaalam lamang siya na magbabanyo ngunit di na siya bumalik."

Napayuko ako. What the hell just happened to them yesterday? In just a day, anim na tao ang nawala and worst is, natagpuan nga namin ang tatlo sa anim, hindi naman na sila humihinga pa. Hindi nga namin alam kung bakit sila pinagdiskitahan ng isang Authotrophs.

"Isa ba siya sa mga nawawala?" tanong ni Desire. I just nodded as an answer. Tatlo na lang ang nawawalang estudyante. Si Asy, Laynah, at Izen.

"But, I saw her this morning.." Tila hindi rin siya sigurado sa kayang sinabi. Pero ano daw? Nakita niya si Izen ngayong umaga? Saan?

"I saw Izen holding a blue rose. Sobrang bilis ng lakad niya na kahit ang mga guard ay hindi siya napansin kanina. Pumasok siya sa lumang gusali ng TVL."

Anong ginagawa niya sa TVL Building na iyon?

Agad kaming nagkatinginan ni Sir Harris. At halos mapalunok ako dahil sa emosyong nakikita ko sa mukha ni Sir. Galit. Yun ang nakikita ko. But why? Bakit siya biglang nagalit? At kanino naman?

"Go home Carmela." mariin ang pagkakasabi ni Sir. Muling umikot ang mata ng kanyang anak at padabog na umalis. Seriosly? Anong problema niya sa kanyang Daddy?

Code: ICE (Code Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon