Chapter 28:
UnhiddenIZEN CARAMEL
Sobrang bilis lumipas ng panahon. Tatlong araw na lamang ay mangyayari na ang annual celebration ng Museum ng Edison. Naigagalaw ko na rin ang kanang kamay ko and I can clearly say na tuluyan ko na itong magagamit. Tamang-tama lamang dahil may masama akong kutob na mangyayari sa darating na okasyon.
My father invited the Moran and Harris clan which I'm really curious about. Nagkakaroon ng illegal na auction sa Museum kapag ganitong event. May mga gamit kasi na mula sa nakaw ang sinasama sa bidding ng Edison ng patago. It would be dangerous kung present ang nangungunahang pamilya ng Solar sa araw na iyon.
Ganon pa man ay patuloy pa rin ang plano ng aking magaling na ama at ako pa talaga ang inatasan niya sa security ng event na ito. Ugh.
Kakatapos ko lang i-check ang lahat ng hidden cameras sa bawat sulok ng Museum at pati na rin sa underground kung saan doon magaganap ang illegal na gawain ng mga Edison.
"Nararamdaman mo rin ba ang panganib, Prinsesa?" Tanong ng katabi ko na kanina ko pa hindi pinapansin. Sino pa nga ba? E di yung asungot na si Cace.
"Shut up."
May tinitipa ako sa computer dito sa security room dahil gusto kong i-secure ang data base.
"So, this is your expertise." Aniya habang pinagmamasdan niya ang bawat simbolo, numero at letrang nakasulat sa screen.
I think, there's something wrong with the server.
"Someone is messing with our security." Wika ko.
Natahimik si Cace sa gilid ko. Binalingan ko ang isa pang tauhan ni Trevor na alam kong labas sa Autotrophs at loyal na tagapagsilbi ng Edison.
"Sabihin niyo sa akin agad kapag hindi niyo ho nakokontrol ang system." Wika ko't lumabas na ng room. May kakaiba talaga akong nararamdamang mangyayari.
"Prinsesa, wag kang mag-alala. Everything is going to be fine." Wika ni Cace na nakasunod rin pala sa akin.
Binalingan ko siya't saka ako napabuntong hininga. It's almost 4 weeks na umaali-aligid ang lalaking ito sa tabi ko. Nakakainis minsan ngunit nasasanay rin naman na akong narito siya.
But don't get me wrong, wala akong kung ano man sa kanya. I can't trust this man lalo na't tauhan siya ni Trevor.
"Cace, if someone messed with the security, tumulong ka sa pag-restore nito. Hindi ako ang dapat mong binabantayan." Wika ko't mabilis na naglakad palayo sa kanya. Mabuti na lang at hindi niya naman ako sinundan.
Dumeretso ako sa underground kung saan gaganapin ang auction. Isang secret tunnel ang dadaanan para marating ito at tanging ang mga invited lamang for auction ang nakakaalam ng daan papasok. Pagkapasok ko pa lang sa lugar ay bumungad na sa akin ang naglalakihang glass walls kung saan makikita ang ang bagay na kasama sa auction. Para itong na sa loob ng maliit na kwarto na kulay puti ang mga dingding at may glass walls sa isang gilid para makita ng mga magbibid. May mga alahas na gawa sa ginto, mga orginal painting na ninakaw mula sa ibang museum sa loob at labas ng bansa, may mga dyamanteng hinihinalang kasama sa Yamashita Treasure at iba pa.
Pitong bagay ang narito na kabilang sa auction.I checked every rooms at kung maayos at secure ba ito at di kayang pasukin nino man.
May mga bleachers kung saan uupo ang mga magbibid.
Everything was fine.
Or so I thought..
💙
![](https://img.wattpad.com/cover/226794229-288-k299324.jpg)
BINABASA MO ANG
Code: ICE (Code Series #1)
Misterio / Suspenso[COMPLETED] "MPWF JT OPU BO JDF UIBU DBO CF NFMUFE" ~ICE Numbers.. Symbols.. Codes.. That's what she always face everyday. Being a member of an organization who did so many crimes on their city isn't a joke. A hacker, and a spy. That's her mission...