Special Chapter 1: Angel

29 1 0
                                    

Special Chapter 1:
Angel

ORVILLE

Her sweet caramel eyes looks so mesmerizing. Kung kulot lang siguro ang buhok niya, magmumukha siyang diwata. Her pale skin glows when expose to sunlight while her tantalizing caramel eyes looks so deep and hypnotizing.

She's a very innocent looking girl, like an angel visiting the earth from heaven.

Bata pa kami ng nakilala ko siya. Pero hindi rin bago na hindi niya ako kilala dahil bilang bata, hindi talaga siya pala kaibigan.

She's just a shy girl when we were so young. Ayaw makihalubilo sa iba at kadalasan ay nagmamasid lang.

Like an angel, just guiding the humans with their everyday lives.

Elementary days, talaga tahimik lang siya. Hindi kami sa parehong paaralan nag-aral nong elementary. Pero, kilala ko siyang tahimik lang dahil sa iba naming kapitbahay na kaklase siya.

Hayskul ng sa wakas ay parehong paaralan na kami nag-aral na dalawa.

Grade 7, when I notice how different she really is.

Ordinaryong bahay lang naman tinitirhan namin pareho ngunit ang kanyang galaw ay parang galaw ng mga noble family within the City.

I shrugged it off. Kasi naman, Edison naman talaga siya di ba? Iyong may-ari ng malaking museum dito sa syudad.

She walked her way towards her classroom like she can claim the pathway with her prim straight back, chin up, and cold stares.

Parang wala kang karapatang humarang sa dinaraanan niya at hindi mo din kakayanin makipagtitigan dahil tila mababasa niya ang buo mong pagkatao sa isang titig lang.

Icy..

Sabado ng hapon ng palabas na sana ako ng gate ng bahay namin, dala ang bola ng basketball. Natigilan nga lang ako ng mapansin ko ang isang lalaki na nakatitig sa bahay ng kapitbahay namin.

Naging kuryuso tuloy ako kung sino tinititigan niya roon kaya naman napabaling ako sa kabilang bahay at natagpuan ko si Ice na nagbabasa ng libro sa may duyan ng kanilang balkonahe.

Bumaling ako ulit sa lalaki at doon ko lang nakilala na siya pala iyong guro namin sa ICT.

Halos pareho sila ng ekspresyon ni Ice kung tumitig sa mga tao. Our instructor is also known as distant and cold person.

Napasinghap ako ng bumaling siya sakin. Napakamot na lang ako sa aking batok dahil nahuli niya akong nakatitig sa kanya.

"A-Ah.. good afternoon Sir Harris." Bati ko na lang.

He just nodded at me and he took a glance again with Izen.

Bumaling ako ulit kay Ice na ngayon ay tumayo na at pumasok na sa loob ng bahay nila.

"Do you know her?"

Nagulat ako dahil sa maikling panahon lang, nakalapit na sakin si Sir Harris. He was looking at me intently. Like One wrong answer and I'm dead.

"S-Slight, Sir." I stuttered. Nakaramdam agad ako ng kaba dahil sa tingin ni Sir, parang isa lang akong langgam na kaya niyang tirisin kung gusto niya.

"How far do you know Ms. Edison?"

Napahigpit ang kapit ko sa bola na dala ko sa sobrang tensyon. What the heck is wrong with him? Ba't parang galit ka sakin, Sir? Wala ako ginagawang masama ah!

"She's also a student in Ertha. She's living here with her Mom only." I answered without stuttering this time.

"You're close with her Mom?"

Code: ICE (Code Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon